• 23Sep

    Naganap na naman ang pinaka-prestigious at ang kinaabangang event para sa mga bloggers nitong ika-21 ng Setyembre, taong 2008, ang Philippine Blog Awards 2008. Kaya pinadala ko ang aking katawan para saksihan ang nasabing kaganapan. Opo, katawan ko lang ang ipinadala ko, ang aking oozing sexy body na nagtataglay ng 0.01% ng aking kagwapuhan.

    4:15pm na nung huling tingin ko sa orasan. Regal shockers! Male-late na ako para sa PBA ‘08. Kaya naman nagpahid na lang ako ng alcogel, nagmumog ng agua oxinada at nagwisik-wisik ng baby cologne sa aking kili-kili dahil kailangan ko ng magmadali. Hindi naman na kasi necessary na maligo pa ako, kasi nagse-secrete ang sweat glands ko ng bangong halimuyak na katulad sa bonggangbilya.

    Nilatigo ko na nga ang jeepney driver para bilisan niya ang kanyang pagmamaneho, kaso tinitigan niya lang ako ng masama. Kaya nanahimik na lang ako sa sulok ng jeep at kumanta ng “bam-bam-bi-dam-bam-bam-bi-dam-bam (repeat ’til you make sawa)”. Since medyo malapit lang naman ang Mall of Asia sa Esplanade One, nagpagulong-gulong na lang ako papunta dun at nilanghap ang nakakaadik na amoy ng damo at ang nakakasulasok na amoy ng tila nabubulok na tahong ng Manila bay. Buti na lang hindi pa nagsisimula yung program proper nu’ng dumating ako. Kaya minabuti kong tsumibog at lapain lahat ng nakahain sa buffet table, dahil nga “malapit lang naman ang Mall of Asia sa Esplanade One.”

    As usual, nandoon lahat ang mga bigtime bloggers. Yung mga nakilala ko na saka yung mga bagong mukha. Deserving ang lahat ng mga winners, kaya kung sinuman kayo dyan, congratulations sa inyo, hindi niyo man lang ako ililibre kahit man lang isang size 11 na sapatos? O sige kahit relief good man lang na may lamang bigas, asukal at mga de lata? Okay fine, kahit isang sachet na lang ng shampoo?

    Medyo nabangenge nga ako sa apat na latang Red Horse. Mabuti nga’t natigil sila sa pagse-serve kung hindi, marahil ginawa kong dancefloor ang stage at sumayaw na ako sa lahat ng poste. Buti na-control ko pa, dahil tabi lang iyon ng dagat baka itapon pa ako dun. Ayokong maitapon sa Manila Bay, kadiri ah, dami kayang basurang palutang-lutang dun at baka nga maka-swimming pa ang mga poopoo doon.

    After ng PBA, napagpasyahang pumunta sa The President’s sa may San Miguel by the Bay, na likod ng MoA, para mag-midnight snack… este… Fiesta pala. My gulay, pwede na kaming katayin at ibenta sa palengke kinabukasan dahil sa dami ng pagkain. Kung uso sa mga inumin ang refill, ganun din sa mga pagkain. Non-stop kaya ang pagdating ng mga pagkain, hindi ko na nga alam kung ano pang klaseng pag-a-arrange ng mga pagkain sa bituka ko magkasya lang silang lahat. Kaya heto, mga isang linggo akong hindi kakain para bumalik ang aking katakam-takam kong katawan. Buti na lang gwapo at virgin pa rin ako.

    All in all, kahit na parang naka-steroids sa bilis ang oras ng gabing iyon, nag-enjoy ako ng husto. Kahit hindi ako nanalo ng prize o award, gwapo naman ako. At yun ang kailanman hindi napapanalunan!

    Shoutout at LinkLab

    • kay LA na katabi ko sa buong program proper at pagpapahiram ng kanyang laptop.
    • kay Carlo dahil katabi siya ni LA at astig ang kanyang macbook
    • kay Eric dahil siya ang nagbigay ng raffle stub na nawala ko rin
    • kay Nina sa pagpicture sa akin na emo nu’ng tuluyang lumubog na ang araw
    • kay Melo dahil nasuot ko na kanina yung t-shirt from Volcom
    • kay Sir Manolo dahil pareho kami ng brand ng beer at paghahatid sa aming mga tahanan
    • kay Fritz dahil sa kanyang astiging nominations video clips
    • kay Poyt sa pagdi-direk ng mga makukulit na intro clips
    • kay Kring na napaka-hot that night
    • kay Marcelle dahil sa kanyang guts
    • kay Heneroso, kasi payat pa rin siya
    • kay Kevin sa kanyang pag-picture sa akin sa WeWillDoodle wall
    • kay Xienah dahil napaka-sassy niya that night
    • kay Mariano sa kulot at long hair na buhok, rock on!
    • kay Ferbert na hindi niya suot ang kanyang bonggang-bonggang shemagh
    • kay Ian sa pagdalo saglit sa plurkfiesta
    • kay Aaron sa pagsama niya kay Ian sa pag-uwi
    • kay AJ sa kanyang pink na necktie
    • kay Shari para malulutong at malulupet na chicharon
    • kay Mica na nawawala sa WeWillDoodle wall
    • kay Jehzlau na masugid na supporter ni Batang Yagit
    • kay Arbet na stressed at lumagpas na naman sa kanyang sleeping time
    • kay Juned and the PBA committee para sa isang successful na event
    • kay Arpee at sa kanyang bubblewrap
    • kay Doc Tess, congratulations sa award
    • kay Pierre, congrats sa award at sa isa mo pang “award”
    • kay Ben Chan, dahil siya may-ari ng Bench
    Hayan, yan may linklab na. Kabisado ko lahat ng mga URL ng mga yan ha, walang tinginan sa google. Rock On mga peeps! Kung di ko kayo nailagay dito, hello na lang sa inyo!

  • 06Sep

    Ang saya ng WordCamp (slash PlurkCamp Beta). Hindi lang na-meet ang cool bloggers kundi nakapag-load din ng sandamakmak na information sa aking juicing juicy na utak. Isinama nga rin ang katangi-tangi kong girlfriend na si Caitlyn—girlfriend namin ng kuya/pinsan ko.

    Ang daming nagpunta, pure win ang event na organized ng Mindanao Bloggers.

    Medyo nagwater-effect ang paligid, kasi nagkaroon ng flashback during school days (note: hindi po ako graduate sa CSB). Yung mga panahon na palipat-lipat ng classroom, sharing ng baon, saka yung gumagawa ng ibang bagay habang nagdi-discuss… ooops! Buti nga hindi pa nag-cutting class.

    First subject namin ay kay Jayvee, akala nga namin suspended na ang classes. Yun pala maling classroom ang pinasok. Napa-breakdance nga ako sa major bigtime fail moment na yun. Late tuloy kami sa class niya, buti na lang mabait siyang teacher at pinapasok pa kami.

    Next class ko ay kay Markku. Tungkol sa Wordpress plugin. Grabe, bumaha yata ng dugo na umaagos mula sa ilong na dinaig pa ang heavy flow ng regla. Muntikan na nga rin yata akong magka-aneurism dahil sa topic niya. Mabuti na lang, very light ang paraan ng pag-discuss niya para naman ma-comprehend at matuto ang mga audience niya.

    Last class nu’ng morning ay kay Kring. Very entertaining, kulang na nga lang tumambling at mag-eggroll siya and she’ll own WordCamp. Gumawa nga ng statement lalo dun sa part patungkol kay Marian Rivera:

    She was NOTHING.

    Saka memorable ang isa sa kanyang blooper moment. Kung ano yun? Hulaan niyo na lang.

    Nung hapon, nag-discuss si Matt Mullenweg tungkol sa future ng wordpress. Na-outshine niya nga ang kagwapuhan ko, daming bebot ang nagkandarapa at nagkasugat-sugat ang tuhod para magpa-picture sa kanya. Syempre kailangan kong sabihin yan kasi founder siya ng Wordpress kung hindi baka mamaya patalsikin ako sa Wordpress. (Translation in case Matt will read this: You’re the Man!)

    Kamusta naman ang wordcamp? Dahil free wifi at marami syempre ang may dala ng kani-kanilang laptop at gadgets, plurk galore. Kahit magkakatabi na, sa plurk pa rin nag-uusap. Buti na nga lang hindi lahat may dalang laptop or wifi enabled ang kanilang gadgets, dahil kung hindi baka sobrang tahimik sa theatre at sa plurk na lang ginagawa ang mga discussions.

    Pinagamit ko rin pala si Caitlyn sa ibang nangangailangan ng kanyang services. Next time nga magpapabayad na ako para may kickback naman.

    Yun nga lang, dahil kasama ko nga ang “girlfriend” kong si Caitlyn, umuwi na ako ng maaga at hindi na dumalo sa afterparty.

    Congrats sa mga organizers, sponsors and volunteers para sa napakasayang event.

    ——

    Mukhang puro event ang mapo-post ko for the month of September.

  • 05Jul

    Nitong nakaraang araw nagkaroon ng mga kaganapan sa Taste Asia. Last week ginanap ang Buhay Coke na dinaluhan naman ng sandamukal na bloggers. Tapos nitong huli naman, kahapon, ang Pond’s event. Syempre ang inyong abang lingkod hindi nagpahuli kaya pinasugod ko na naman ang aking dakilang alagad slash Yaya P.A. ko para kumuha ng mga loot bags, giveaways at mga tsismis sa buhay-buhay ng iba’t ibang bloggers. Ginawa ko rin ito para kahit papaano ay makahinga naman ako sa aking mansyon dahil binuburo na ako sa amoy ng utot ng aking alagad. Madalas kasi siyang atakihin ng kabag sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

    Buhay Coke – June 27, 2008

    Nabalitaan kong mamimigay ng isang case ng Coke Zero sa event na ito kaya dalian kong pinapunta at pinagsuot ng itim na kasuotan ang aking alipin. Hindi pa namin alam kung isang case ng coke zero in PET bottles, glass bottles or cans of 6 ang maiuuwi. Mukhang nag-enjoy naman siya dahil inumaga na naman siya ng uwi na may bahid ng ngiting umaabot sa kanyang bunbunan. Na-meet na naman niya kasi ang mga blogger friends at may nakilala pang mga bagong nilalang. Nandun na ang mga veterans at mga institusyon na sa kamunduhan ng mga blogs gaya nila Juned, Marcelle, Benj, Jeff, Poyt, Kring, Doc Tess, Shari, at napakarami pang iba. Andun din ang mga newbie sa mga blog events gaya nila Ferbert, Mariano, Pedro, Damdam, Doc Mnel, David Edward at Brando.

    Pero tila nawalan din ng silbi ang mga kinain niya sa Taste Asia dahil parang workout ang ginawa niyang pagbubuhat ng coke in cans. Nag-wet sa pawis tuloy siya sa kanyang pag-uwi. Sayang nga at hindi pa yung sa bote ang inuwi dahil mas gusto ko pang pahirapan itong alagad ko.

    330ml x 24 = 7.92 ml + weight of 24 aluminum cans = hindi ko na alam dahil hindi ako magaling sa math

    Dapat nga ay 48 cans ang iuuwi niya kasi haharbatin niya dapat yung coke in cans ni Poyt na ayaw niyang i-claim. Ngunit minarapat niya na lamang ikaloob ito kay Juned na napunta rin kay Kring later on para gamiting props na katunayan ng pagdalo niya sa event.

    Kung 48 cans nga ang naiuwi ng alipin ko, malamang tinalo niya pa sa kapayatan ang mga bulimic slash anorexic sa mundo o baka nagmukha na siyang barumbado kagaya ng mga aliping kontrabida sa mga Pinoy action films. Baka nagsagawa na rin ako ng sarili kong Coke party, baka nagbababad na rin ako sa batya na puno ng Coke Zero o nagpagawa na ako ng pool ng Coke.

    Salamat kay Aileen Apolo at sa Coke para sa pagsasagawa ng event na ito. Para sa mga gustong manalo ng gadgets, sumali sa Buhay Coke contest. Huwag niyo lang kalimutang ilibre kapag nanalo kayo, ok lang na regaluhan niyo ako ng Ferrari bilang kapalit.

    Taste Beauty at Taste Asia – Pond’s Event, July 4, 2008

    Nagulat ang aking alipin dahil napakadisente lahat ng mga nilalang na dumalo dito. Halos di nga siya makakilos kasi puro mga magagandang nilalang ang lahat ng dun. Kaya napakabait niya nu’ng gabing iyon. Buti trained ko na siya sa mga ganu’ng pagkakataon. Kaya naman niyang magpaka-wholesome sa mga okasyon kagaya nito. Bagamat wala siyang naiuwing loot bags this time, he won a free dinner and juiciest blogger chismakaroons.

    Ay meron pala siyang naiuwi, Durian Candy. Hindi galing sa Pond’s but from Fritz. Thanks Fritz, good luck mamaya sa tyan ko.