Gift it to me baby
Sorry, medyo late na ang aking wishlist. Pero naniniwala naman na akong mayayaman na ang mga readers ko kaya anytime pwede nilang tuparin ang alin man ang nasa listahan ko. Simple lang naman ang mga gusto ko ngayong taon at mga can-afford naman.
MacBook Pro 17″ o iMac 27″
Jusmio, ilang taon ko na bang hinihiling sa inyo ito bakit hindi niyo pa rin ibinibigay sa akin? Kung ilang taon na akong nagsusulat dito, ganun na rin katagal na nasa wishlist ko yan. Pumanaw na si Steve Jobs at lahat-lahat hindi pa rin natutupad yan. Hindi pa ba kayo naaawa sa akin sa taun-taon kong pag-request ko nyan.
iPad 2 o Motorala Xoom
Sa ganitong modernong panahon, hindi pwedeng hindi ako magkaroon niyan. Gusto ko kasing gawing fashion statement ito, ikwintas habang naka-display ang aking grad pic sa screen. Pwede ko namang ikwintas ang picture frame ng aking grad pic, pero like I said, moderno na ang panahon ngayon.
Training clothes and shoes
Baka siya ang gamitin kong peg kapag wala akong maayos na workout clothes.
Mga climacool/dri-fit shirts, cross-training shoes, etc. Kailangan ko kasi yan kasi mukhang mapapasabak na ako sa mamahaling gym. Alanganin namang pang-fashion week at shining shimmering party clothes ang gamitin kong pang-workout…. Maliban na lang kung may catwalk sa gym.
Abs
Abs ko, hindi abs ng iba. Currently, may abs naman ako pero apat at kalahating piraso lang sila. Malambot pa. Gusto ko kasi makumpleto ang aking six-pack, pero better if eight-pack ang meron ako, o kaya magkaroon ako ng abs sa buong katawan, wag lang sa mukha.
Pag-ibig
Hindi yung agency ng mga pabahay. Hanap ko yung tunay at wagas… pati rin sa kama.
Ilang araw na lang Pasko na, kaya sana matupad niyo ang mga nasa listahan ko.
Paskorruption
Ang Pasko ay para sa mga bata, ayon sa marami. Kaya nga kapag Christmas naglipana ang mga bata at inaanak sa kalsada para mamasko sa kanilang mga ninong, ninang at mga kamag-anak. Pero dahil bago kami dito sa San Pedro, na-culture shock ako sa pamamasko ng mga bata dito.
Dahil bago lang kami dito sa San Pedro, ibang kultura ng pamamasko ng mga bata ang naranasan ko. Ibang-iba sa nilakhan ko at nakakarami. Ang mga batang di naman namin inaanak o kamag-anak ay namamasko sa amin at sa ibang bahay dito sa subdivision. Ang dami pa nila at minsan in groups pa. Kaya nga parang echo lang sa pandinig ko ang katagang “Namamasko pooo!” dahil monotonous lang sila.
Kaya naman kumaripas kami sa pagtakas sa mga namamasko dito sa amin dahil hindi naman nakakatuwa ang pamamasko nila. Hindi naman kasi pamamasko ang ginagawa ng mga batang ito kundi pamamalimos. Nakabihis lang sila ng maayos at iniiba lang ang binibigkas na kataga pero panghihingi ng limos lang ang ginagawa nila. Hindi naman kasi tama na kung kani-kanino lang na manghingi ng pera. Kung nangangaroling ang mga batang ito baka mapagbigyan pa. Pero kung mangangatok lang sa mga bahay at bibigkasin ang “namamasko pooo!”, ito ang di ko mapapayagan.
Let’s say, given na tradisyon nila ang ganitong klaseng pamamasko pero ang nakakabahala ay ang kaisipan ng korupsyon sa kanilang mga murang edad. May mga grupo kasi ng kabataang namamasko ang hindi hinahatian ang kasamahan nila. Kaya ang nangyayari, bumabalik sa bahay pa itong hindi nabigyan para manghingi ulit ng pamasko. May isa nga bumalik at nagsumbong pa sa amin na hindi raw siya hinatian ng kasamahan niya kahit na five steps pa lang ang layo nila sa bahay namin. Kung ganito na ang pag-iisip nila, anong klaseng kinabukasan pa ang haharapin ng ating bansa?
Namasko rin kami noon pero sa mga kamag-anak at mga ninong/ninang lang ang pinupuntahan namin. Kung grupo man kami, yung mga inaanak lang ang namamasko at nasa discretion na ng kanilang godparents kung aabutan din kami.
Nakaka-disappoint ang mga ganitong bata dahil namumulat na sila sa kasakiman at sa idea ng corruption na nangyayari pa sa araw ng Pasko. Mahirap ang bansa natin pero hindi naman dapat ganito ang maiturong pag-iisip lalo sa mga bata. Huwag na tayong magpakababa. Sana maipamulat natin sa kanila na ang Pasko ay hindi tungkol sa dami ng regalo o sa laki ng perang napapamaskuhan. Huwag nating imulat ang mga bata sa kasamaang dulot ng pera.
Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan pero hindi naman dapat inaabuso.
Wishlist Season
Ilang araw na lang Pasko na. At wala pa rin akong wishlist. Well, dito sa office exchange gift meron na at nandun pa rin yung yearly na Magic 8 Ball na request ko dahil hanggang ngayon ay wala pa ring natutupad. Wala na rin akong pakialam kung mahulaan nila kung sino ako sa kris kringle. Obvious naman na ako ang nasa wishlist dahil: 1. ako lang ang lalaking bagets dito sa office. 2. ako lang maglalakas-loob mag-wishlist ng camouflage or floral pattern na brief.
At dahil malapit na nga ang Pasko, gagawin ko na lang madali para sa inyo ang wishlist ko.
- 8-pack abs. Take note, 8-pack abs hindi 6 packs ha. Kung pwede nga lang 10-pack abs, bakit hindi? Ayoko kasi yung mukhang normal at maging kagaya lang ng mga nakikita sa mga TV at magazines. Huwag lang siguro akong magkaroon ng abs sa mukha.
- Sexlife. Dahil sayang naman ang underwear na may nakakatuwang pattern kung ako lang din naman ang makakakita, di ba?
- Gran Cabrio Maserati. Dahil gusto ang tunog ng pangalan ng kotse at afford niyo naman ito para sa akin.
- Entertainment Showcase. Kung naisipan niyo naman akong regaluhan ng plasma TV. Bakit hindi niyo na lang gawing package, yung may kasama ng 7.1 surround speakers at blu-ray player? You know what’s better? Samahan niyo na rin ng La-Z Boy para masayang masaya naman na talaga ako sa araw ng Pasko.
- World Peace and Eco-friendly World. Sana hindi lang sa utak natin ang maging green, pati rin ang paligid. At kung kagaguhan at kahalayan lang ang magbibigkis sa atin, sana magamit natin ito para sa ikabubuti ng ating mundo. (Nuks, gumaganon?)
At dahil ipit na sa panahon, alam kong friendship na naman ang regalo niyo sa akin. Pwede katawan naman… basta sizzling hot lady kayo ha.
Merry Christmas
Maligayang Pasko
Season’s Greetings
Happy Holidays
sa inyong lahat.
Adverse Reactions:
Status
- @JohnLloyUmali uhmm... p0rn?
- Chico is now one of my favorite fruits.
- Last episode. Too many "It isn't what it seems" moment. http://t.co/TPDdVEyL @GetGlue @TheKilling_AMC
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)














