Browsing articles tagged with " coke"
May 6, 2009

Spoiled Brat?

Mayo na naman. As usual, malapit na naman ang birthday ko kaya panay ang request ko ngayon kay mommy. Hindi naman ako spoiled brat kahit na unico hijo ako.

Mommy, I want a beach resort on my birthday like this beach resort given to her as a graduation gift by her parents.

Mommy: Anak, hindi pwede. Maalat ang dagat, alam mo namang ayokong magkasakit ka sa bato. Bitch resort na lang regalo ko sa iyo. Mas malaki pa ang kita dun saka baka dun ma-devirginate ka na anak. I’ll be proud of you.

Mommy, I want a giant transforming robot on my birthday.

Mommy: Anak, alam mo namang hindi pwede yun. Wala pa silang service center dito sa atin. Kapag nasira, saan mo ipapaayos yun. Saka hindi pa sure kung safe na sila, baka mamaya may lead content pa at hindi pa hypoallergenic.

Mommy, I want a cuddly talking coke-drinking polar bear in my room for my birthday.

Mommy: Anak, hello?! Ok ka lang? Hindi pwede ang polar bear sa ‘Pinas. Tropical country ang bansa natin, magiging brown lang siya dahil sa sikat ng araw. Grizzly bear na lang ang ibibigay ko sa’yo anak.

Mommy, I want a monkey everytime I ride the jeep starting on my birthday.

Anak, ano ba yang mga requests mo?! Hindi pwede. Gusto mo bang magutom ang mga Philippine Eagles sa bansa natin? Masisira lang ang ating ecosystem. Hindi pwede. Ano na lang sasabihin ko sa mga amiga ko sa DENR at PETA?

Mommy, I want world peace.

Mommy: Huh?!

Mommy, I want a girlfriend.

Mommy: Asa ka naman anak.

 

Note: Hindi po yan ang tunay kong ina, showbiz mom ko lang po yan.

Be the first to like.
Jun 24, 2008

Just a Recap

My gulay! More than a week na pala akong walang post. Kasi naman masyado akong naging abala nitong nakaraang araw. Naging abala ako sa Plurk. Alam ko katunog siya ng taeng lumalabas sa puwet o utot na may kasamang jebs. Basta nakakaadik kasi itong Plurk.

Maraming nangyari sa mahigit isang linggo kong pagkakahimlay sa tapat ng computer at i-absorb ang lahat ng radiation na nilalabas ng monitor. Malapit na nga akong maging mutant dito sa aking kinauupuan. Keber ko ba kung tubuan ako ng mata sa aking bunbunan o adam’s apple sa ilong, wala akong magagawa, nagtatrabaho ako… aside from plurking.

——

Nitong kamakailan nanalanta ang tibong bagyong Francesca aka Frank sa bansa. At hetong dakila kong alagad, hindi ko akalaing gumimik pa pala nang gabing iyon. Alam na ngang arrival na ni Francesca ng alas-singko ng madaling araw ng linggo sa Maynila, hindi ba naman umuwi ng maaga. Hindi tuloy kami nakagawa ng placard para sa pagsalubong kay Frank. Lintek.

——

By the way highway, baka magpadala pala ako ng alagad sa Friday sa Taste Asia para sa Buhay Coke event. Ipine-prepare ko na nga ang costume nya for that day.

Photobucket

Be the first to like.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines