Commuters’ Survival Kit
Kanina, na-traffic na naman ako sa SEX… este SLEX at Skyway. Ganyan talaga kasaya ang buhay naming mga nananahan sa suburbia. Although, hindi na bago ang traffic sa Pilipinas, lalo na sa Metro Manila. Ang EDSA nga, hindi na maaasahang lumuwag pa yan on weekdays, maliban na lang kung maghimala ang Dakilang Juday at pasabugin lahat ng mga colorum na sasakyan doon. Ang traffic naman sa SLEX ay ibang-iba sa EDSA. Kung sa EDSA, consistent ang traffic araw-araw, sa SLEX naman ay napaka-inconsistent. Minsan, may mga araw na maluwag ang kalsada, may mga araw naman na ma-traffic. Minsan nga, kung hindi linggo, isang buwan na ma-traffic pero sa mga susunod na linggo o buwan, bigla namang luluwag. Consistent lang ang traffic sa SLEX tuwing Biyernes ng gabi.
Kaya naman kapag expected na ang traffic sa SLEX, nakaka-aksaya lang ng laway ang palagiang pagrereklamo dito. Sa araw-araw ba namang traffic, di pa ba magsasawa sa kakatalak at pagiging bugnutin dahil sa traffic? Ang daily traffic at haba ng byahe, dinadaan lang yan sa survival kit.
- TV. Kaya karamihan ng bus ngayon may TV para maiwasan ang pagkabagot ng mga pasahero nito. Nasusubaybayan ko na nga ang iba’t ibang mga teleserye dahil sa palagian kong pagsakay ng bus. Pagtyagaan na lang din ang mga tagalog movies, B-movies at mga pelikula nina Jason Statham, Steven Seagal at ibang action stars. Pero kung inabot ng Umagang Kay Ganda kahit gabi ka umalis o marathon ng Harry Potter movies ang palabas sa TV, magwala na dahil ibig sabihin matinding traffic ang dadaanan niyo.
- MP3 players. Malaking bagay talaga ang mga iPod at MP3 players para sa mga commuters. Kahit nga siguro FM tuner pwede na. Nalilibang kasi ng music ang byahe. Lalo na yung sa mga kantang napapasabay pa sa lyrics nito. Damhin pa lalo ang kanta habang nakadungaw sa bintana ng bus. Perfect yan lalo ngayong tag-ulan parang music video lang para sa mga videoke machines, di ba? Daanin lang sa pag-lipsynch, baka akalain kasi ng ibang pasahero na hina-hijack na kayo o something.
- Cellphone. Kung feeling mayaman o naka-unlimited texting, sige, go lang ng go sa pagtext at pagburaot sa mga barkada habang nasa byahe. Kahit di nga kabarkada ang i-text. Pwedeng makipag-textmate o di kaya maging asshole na nanghihingi ng load sa random numbers. Pero kung walang ka-text o katelebabad, i-text na lang ang sarili at mag-reply na lang sa sariling text.
- Food. Kapag regular na malayo ang byahe, dapat lang na magbaon ng pagkain lalo na’t hindi maaasahan ang traffic. Hindi naman necessary na kanin, lechon o mga pang-engrandeng picnic ang baunin. Kahit mga simpleng chips, cookies at mga chichirya lang naman. Pero walang makakatalo ang pagkain ng mani sa bus. MASARAP NAMAN KASI TALAGA ANG MANI!
- PSP/iPod Touch/iPad/iPhone/Android phone or any multimedia gadget. Sa pamamagitan ng mga ito, pwedeng maglaro, makinig ng music, magbasa ng e-books o manood ng videos kung saan-saan man o sa byahe. Kaya i-ready na ang literotica, recorded voice ng ka-phonesex niyo sa Skype at mga porno. Gumamit na lang ng headset para di ma-eskandalo ang ibang pasahero. Kung interesado ang katabi, pwedeng i-share sa kanya ang pinapanood na porno. Magbaon na lang ng tissue just in case na mag-wet sa byahe.
- Travel buddy. Kung ang kaibigan o juwawhoop niyo ay same way lang sa byahe pauwi, sagot na ang boredom. Pwedeng makipagkwentuhan o makipaglaro ng “Nanay-Tatay” o “Singkamas, Singkamas” habang bumibyahe. Pwede kakuntsabahin sa pang-ookray sa bawat pasaherong pumapasok sa sasakyan. Pero the best kapag malalim na ang gabi. Pwedeng pumwesto sa kasuluk-sulukan kasama si juwawhoop at gumawa ng milagro. Kung ma-traffic pa, baka ilang putukan din ang mangyari.
Wala pa mang solution sa traffic, pero may sagot naman para sa kabagutan. Pero kung driver kayo at napapagod na kayo sa byahe… Sige, magwala na kayo at umiyak na lang sa kinauupuan niyo.
The Cast of JEEP!
Mag-ingat sa pagsakay ng jeep na ito, baka mag-transform habang nakasakay kayo.
Kung sanay ka sa commuters life, malamang kung sinu-sino na ang na-encounter niyo sa jeep. Though iba’t ibang nilalang ang mga nakakasabay, nagkakahawig naman ang mga katauhan nila.
- The Schoolbus. Sila yung mga magkakaklase or mga officemates na nakasakay sa jeep. Feeling mo service ang sinakyan mo dahil lahat sila maiingay at magkakakilala. Mahihiya ka pa ngang sumakay dahil O.P. ka na sa kanila. Kapag nakasakay ng ganito, tumanaw na lang sa labas, lasapin ang sariwang usok ng Maynila at mag-emote kagaya ng mga artista sa videoke.
- Family Excursionists. Sila naman yung isang pamilya kung sumakay sa jeep. Kahit lima pa ang anak, dalawang upuan lang ang babayaran nila. Pati nga yata sa mga daliri nila may nakakandong na anak. I-expect mo na kapag may stubborn na bata, ikaw ang ituturo ng magulang para katakutan kahit nuknukan ka pa ng kagwapuhan. No wonder kinatatakutan ng marami ang mga kagaya kong gwapo.
- The Obstacle. Sila ang magiging hadlang mo sa buhay. Kahit alam na nilang pagkalaki-laki ng mga bagahe nila ay sa mismong pintuan pa talaga sila umuupo kasama ng mga package nila. At dahil wala ka namang magagawa, mag-cartwheel ka na lang papasok ng jeep kahit masipa mo pa mukha nila.
- Dambuhalang Palaka. Alam mo yung mga mamang pagkalaki-laki ng mga katawan tapos kung umupo pa sa jeep ay talaga namang widespread sa pagbukaka. Mga isang kilometro na yata ang layo ng magkabilang hita dahil sa pagbukaka. Mag-ingat sa mga ganito lalo kung nasa harap mo sila dahil baka makita mo ang kanilang naglalakihang nakatambok na jewels. Kapag nangyari yun sure na hahanap ka ng eject button sa jeep.
- Zombie. Sila yung mga pasaherong kahit nangangalay at tumatagaktak na ang pawis mo sa kilikili sa pag-aabot ng bayad ay super deadma pa rin. Sila din yung biglang ngangasab sa braso mo kapag nag-aabot ka ng bayad. Kaya mag-ingat.
- Magkabilang ibayo. Sila naman yung mga magkakilala na nagkakasabay sa jeep at nag-uusap. Normal? Hindi rin, dahil nasa magkabilang dulo at opposite rows pa sila. Kaya naman kapag sinabi ng isa na hindi pa siya naliligo ay alam na kagad lahat ng pasahero ng jeep iyon. Kung may walkie talkie ka, wag ng magkailang ipahiram sa kanila yun.
- Nagger. Madalas ito sa mga menopausal, nag-menopause at may PMS. Lalo na kung siksikan at kaskasero si manong driver. Mula pagsakay nyan hanggang sa pagbaba hindi yan tumitigil sa pagdakdak. Mainam na isalpak sa bunganga nila ang nangangamoy mong medyas.
- The Pretender. Dahil sa pagmamadaling sumakay ng jeep hindi niya napapansing kalahati (or one-fourth) na lang pala ng pwet niya ang kasya. Kaya ang siste, naka-squat na lang siya sa buong ride. Madalas mangyari sa akin yan.
- Bossy type. Sila naman yung kahit hindi ka mag-aabot ng bayad at katapat mo lang sila ay sa iyo nakaharap ang kanilang pambayad ng jeep. Kahit nagpapaka-zombie ka na (see number 5), pilit pa rin nilang sa iyo iabot ang bayad nila. Maglabas ng mapurol na tabak at lagariin ang braso nila.
- Gwapo/hearthrob/crush ng bayan. Ako yun, bawal pumalag!
Alin kayo dito?
———————
May new article ulit sa Pinoy Parazzi.
Kamakailan lang, pumanaw ang popstar na iniidolo ng marami at nakaimpluwensiya sa karamihan ng mga music artist natin ngayon. Patay na si Michael Jackson dahil sa cardiac arrest. Iyan ang bumulaga sa atin isang umagang akala natin ay normal.
Para sa buong article bumisita dito o bumili ng Pinoy Parazzi sa inyong mga suking newsstands.
Adverse Reactions:
Status
- Catching up on my TV series.
- @JohnLloyUmali medyo malayo na yun kasi nakabitin eh.
- @rochellesychua we can always make our own fruit shakes. controlled pa natin ang ingredients. ;)
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






