Browsing articles tagged with " exercise"
Feb 5, 2011

The Billycoy Fitness Plan

Nasabi ko sa last post ko na gusto kong mapasama sa Cosmo Bachelor this year. At the same time, parating na naman ang summer kaya dapat lang na i-prepare ko na ang aking katakam-takam, tulo-laway at masarap kong katawan. Kaya naman nagsagawa na ako ng sarili kong fitness plan para mapabilis ang goal kong mapalabas ang mga natutulog kong maskels.

Pack with protein. Kailangan ng protein para maging matikas ang aking pangangatawan. Kumain ng lahat ng klase ng karne; karne ng baka, karne ng baboy, karne ng manok, karne ng isda, karne ng bayawak, karne ng dinosaur, karne ng loch ness monster, karne ng unicorn, karne ng tao. Mayaman din ang seafood sa protein. Yung seafood ha, hindi yung “seafood”.

Cardio. Since di naman ako marunong mag-bike, maglalakad na lang ako mula dito sa bahay sa San Pedro hanggang sa opisina sa Makati at vice-versa pauwi. That way, makakatipid na rin ako sa nagtataasang pamasahe. Hindi na rin siguro ako gagamit ng elevator paakyat ng opisina. At para mas challenging, gawin ito ng naka-high heels.

Diarrhea diet. Kailangan mailabas ang mga unnecessary sa katawan para matanggal ang mga love handles at lumitaw ang pinaghihirapang abs. Sisimulan ko na ang pagkain ng mga panis na pagkain, sandamakmak na gulay at sandamukal na dairy products. I’m sure di lang jebs ang ilalabas ko, pati siguro ang kaluluwa ko mailuluwal na rin sa pwet ko.

Weights. Kahit saan man ako mapunta dapat nakakapag-workout pa rin ako. So dapat, lahat ng bagay na mahawakan ko may pabigat. Lalagyan ko ng adobe ang bag ko para kahit naglalakad ako may exercise pa rin. Pati sa banyo, habang naliligo nagpu-push up at nagpu-pull up na rin ako. Isasabay ko na rin ang pagba-bicep curl habang inilalabas ko ang aking pagkatao sa inidoro. Sa ganu’ng paraan, di lang braso ko ang nagkakamaskels, pati na rin ang mukha ko maskulado na rin. Isabay ko na rin kaya ang tricep extension habang yung isang kamay ko ay nag… alam niyo na… nagte-text gamit ang Windows Phone 7… saka ano… ehehehe.

Sex. Maisingit lang, kasi patok to sa mga readers at spammers.

Iyan ang fitness plan ko… na hindi ko rin gagawin kasi nga PLAN lang siya, di ba? Kung gusto niyong gawin, sige gawin niyo. Hindi pa ako suicidal.

2 people like this post.
Jul 13, 2008

Exercise with The Bean

Kung anu-ano ang mga bagong produkto na lumalabas sa mga Home TV Shopping. Kadalasan nga sa mga products nila ay yung mga pampaganda ng kutis, mga kagamitang pambahay, pampatangkad, pampalaki ng mga dyoga, pampalibog at mga exercise equipments. Usually na ini-endorse na exercise equipment na pinapakita ay ang pampaliit ng tyan o pampa-alsa ng abs.

The Bean

Iyan ang isa sa nakakuha ng aking atensyon. Modified na exercise ball. Tumutulong sa pagre-reduce ng taba sa tyan at nagpapalitaw sa mga 6-pack abs na inaasam ng marami. Sa tulong ng “The Bean”, hindi na kailangang humiga pa sa floor para gawin ang masasakit na exercises or gumastos sa mahal na gym membership. Reduced din ang neck and back pain sa pagsagawa ng mga abdominal exercises kapag ginamit ang The Bean. Gamitin lang ang rocking motion ng The Bean for a few minutes at sure na lalabas na ang desired na body figure in no time.

Pero bukod sa pang-exercise, may isa pa akong nakitang tulong ng The Bean.

Maganda itong sex equipment. Yes! Sex equipment. Pero hindi ito katulad ng sex doll na ito mismo ang popopoyin—pero pwede rin kung gusto ng gagamit. Malaking tulong ito sa pakikipag-popoyan kasi reduced na ang stress sa likod at leeg. Less effort din sa pagha-hump dahil sa rocking motion ng The Bean. So mas mapapaigting nito ang pleasure ng popoyan. Hindi lang yun, habang nakikipagpopoyan, bini-build pa nito ang abs. Ayos di ba?

Ako? Hindi pa ako bibili nito, kasi wala pa naman akong partner na mapaggagamitan ko nito.

Be the first to like.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines