Browsing articles tagged with " flippish.com"
Jun 30, 2010

Love, Handles

May bago na tayong Presidente.

Mahalagang okasyon yan sa ating bansa. Pero may iba pang mas mahalaga sa akin, ang company outing namin this July. Oo, tapos na summer at simula ng tag-ulan. Walang basagan ng trip, heto gusto namin eh. Bakit ito mahalaga sa akin? Kasi kailangan kong magpa-macho lalo’t kailangan kong mag-topless sa beach. Alanganin namang maligo ako ng naka-sweater at jogging pants ‘no?

Di naman ako tumaba ng husto, pero naaasiwa lang akong makitang sumasampa ang tyan ko sa garter ng brip ko. Currently kasi, aapat at dalawang kalahati ang abs ko. Tapos may love handles pa ako, kaya within two weeks dapat maging sexy ako. Hindi ko naman kailangang magpalaki ng pecs at biceps, lalo’t di ko naman magagamit yun araw-araw. Hindi naman yata ganun kabigat ang keyboard at mouse ‘di ba? Kailangan ko lang magkaroon ng abs, abs all over my body — kahit pa sa mukha.

 

 

Madali lang naman magpapayat. Ano ba naman ang kainin ko ang skyflakes at tubig for breakfast, lunch, dinner at merienda. Pwede rin naman akong maglakad mula San Pedro, Laguna hanggang Makati araw-araw. Ayoko namang maging anorexic nor maging bulimic, pwede namang daanin sa diarrhea ang pagpapapayat.

Pero kung walang mangyayari within two weeks, dadaanin ko na lang sa iyak at sa dasal na sana may babaeng sumabit sa love handles ko.

——————-

Kung di naman kayo nakapunta sa inauguration party sa Quezon City, pwede pa rin namang mag-celebrate sa 1st Anniversary Party ng Flippish.com sa Fiamma. Basta mag-register lang sa Flippish.com at pwede ng maki-tgsh tgsh sa Fiamma.

Be the first to like.
Jun 21, 2009

What You Need to Know

O dakilang Juday, may nalaman akong information na labis kong ikinabahala ng husto. At ngayon malamang, marami rin ang hindi matutuwa dito.

Sino ba naman ang matutuwa na malaman na ang g-spot pala naming mga lalake ay ang prostate gland? Sounds nothing bad? Ang access sa prostate gland ay sa puwet! So kailangang sundutin at kapain pa ang butas ng puwet para maatim naming mga kalalakihan ang rurok ng kaligayahan. Akala ko pa man din ay climax na ang nararanasan ko kapag nag-ha-hand solo ako. Hindi pa pala, nagkamali ako.

Sino ba namang mag-aakala na kapag iniiri ko ang tubol kong jebs ay orgasm pala iyon?! Gumuho lahat ang pangarap ko at hindi ko alam kung makaka-move on pa ako sa ako sa nalaman kong ito. Feeling ko, mawawalan na rin ako ng social life dahil dito.

——————

Speaking of social life, launching party ng Flippish.com on July 2, 2009 sa Fiamma, Jupiter Street, Makati City.

Kaya mag-register na para makasama sa para maka-join na sa party nito. Sure na mag-e-enjoy kayo dito. Bukod sa pagsasaya, lalawak din ang social network niyo dito. Makikita niyo pa ng buhay na buhay si Kring ng funnysexy.ph para magpa-autograph sa kanya.

——————

Speaking of social network, maki-join na rin sa amin sa Sandbox. Ang social network na ma-a-access mo using your mobile phone browser. Basta may selepono* ka, pwede kang magsulat ng iyong blog, mag-upload ng mga camwhore photos at videos ng kagaguhan kahit nakaupo ka pa sa trono ng kubeta. Pwede ring magbenta or bumili ng mga retail gamit ang Sandbox. Pwede ring mag-download ng mga contents para naman ma-pimp niyo ang inyong mga selepono. Kaya join na kayo sa Sandbox.

*at least GPRS/MMS enabled phone

Be the first to like.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines