Billycoy.com is 1 year old
One year old na pala ang domain ko. Kagulat-gulat naman ang first post ko dito, kay Gabby Concepcion pa. Gusto ko nga sanang i-celebrate sa SOP or ASAP ang anniversary ng domain ko. Tapos magpapa-feature pa ako sa GMA or ABS-CBN news para sa primetime slot. Ipapasarado ko pa nga sana ang Araneta Coliseum para magsagawa ng concert dedicated para sa akin at magpa-part sa Fort open grounds. Unfortunately, wala namang blogger na gumagawa n’un kaya sa blog ko na lang ise-celebrate.
Isang taon na ang lumipas sa domain ko, pero ganun pa rin, wala pa rin akong girlfriend at untouched pa rin ako. Idagdag mo na rin ang mga taon na nasa blogspot pa ako. Hindi naman kasi yata online ko makikilala ang katuwang ko at makaka-rape sa akin. Juwain ko na lang kaya mga internet bots para kahit papaano masabi ko ring may juwawhoop din ako.
Sa loob din ng isang taon, hindi pa rin ako nakakalayo ng Luzon at nakakasakay ng efflane. Masama na kasi ang epekto ng global warming, hindi tuloy ako makapag-teleport. Malamang sabay-sabay na darating yan sa life ko. One time, big time malamang, tapos malilito ako kung ano pipiliin ko.
Baka nasa nakaraan talaga ang future ko.

Salamat kay L.A. para sa webhosting at pag-asikaso ng domain. Salamat sa plurk kaya kadalasang nauubusan na ako ng idea para maisulat at ubusin ang lahat ng oras ko. Salamat din sa mga bagong kaibigan na patuloy na pinagtatawanan ang aking kahalayan, kagaguhan at kabirhenan. Salamat sa mga nagbabasa, nagco-comment at mga lurkers. Salamat sa akin dahil gwapo ako.
Do you know why?
Alam niyo ba kung bakit…
…may Global Warming?
…patuloy na lumalala ang giyera laban sa terorismo?
…lumalala ang kaso ng obesity at overweight people sa mga mauunlad na bansa?
…patuloy pa ring malnourished ang mga bata sa Africa?
…may krisis tayo ngayon sa bigas?
…nanalo sa kaso si Anabelle Rama laban kay Cristy Fermin?
…hindi mo maintindihan ang pagmumukha ni Jobert Sucaldito?
…dumarami ang mga trying hard jologs sa mga kalsada?
…mas lalong dumarami ang emo sa mundo?
…matrapik pa rin sa kalakhang Maynila?
…pinatanggal ang higanteng sexy billboard ni DingDong Dantes?
…natanggal si Ramielle Malubay sa American Idol?
…hindi pa rin natatapos ang problema sa ZTE broadband deal?
…nakakatawa ang video scandal ni Mahal at hindi nakaka-arouse?
…hindi tumatangkad ang ating pangulo?
…marami ang nahu-hook sa rumors tungkol sa Gucci Gang?
…ang bano ng sagot ni Janina San Miguel sa Bb. Pilipinas?
…at siya pa ang nanalo bilang Bb. Pilipinas-World?
…meron ngayong lalaki na dating babae ang manganganak?
…madalang na ang aking pagpo-post ng blogs?
…dito ako sa Netopia gumawa ng post?
…at hindi ko pa rin napapaganda ang header ng blog ko?
Hanggang ngayon…
…hindi niyo pa rin ba nakikita ang koneksyon…
…sa lahat ng mga pangyayaring ito?
Iisa lang naman ang alam kong dahilan…
ANG PAGBABALIK NI GABBY CONCEPCION.
Now you know!
Spread the word… NOW!
Share the pain!
Ano pa ang ibang masamang pangyayari sa buhay niyo na sanhi ni Gabby Concepcion?
Adverse Reactions:
Status
- @JohnLloyUmali medyo malayo na yun kasi nakabitin eh.
- @rochellesychua we can always make our own fruit shakes. controlled pa natin ang ingredients. ;)
- @rochellesychua ooooh. I must try that. Maybe I can make one. We have lots of chico here which we got from our neighbor.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







