Browsing articles tagged with " hayden kho"
May 29, 2009

The Notebook of Your Dreams

Marami ka bang pangarap na nais matupad? Ginawa mo na ba ang lahat pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari para makamit ito? Napapagod ka na ba ng husto dahil sandamakmak na dugo’t pawis na ang ginugugol para mabigyan ng katuparan? Heto na ang produktong magbibigay ng katuparan sa mga panaginip niyo.

Heto na ang…

JOLOGS NA NOTEBOOK

(artista cover notebook)

Patunay na natutupad ang mga pangarap ng mga isinusulat dito ang testimony ni Katrina Halili sa senate hearing. Kitam, pati sa senado ay pinatunayan pa ito ni Katrina. Ganitong notebook din kasi ang sinusulatan ni Hayden Kho ng kanyang mga wishlist at ng kanyang mga dream girls na natupad in the form of Katrina.

Madali lang ang paggamit ng Jologs na notebook.

  1. Isulat sa loob ang lahat ng wishes at mga girls na gustong maka-date at makapopoy.
  2. Make sure na isama si Angelina Jolie at unahin siya sa listahan dahil ang pumapangalawa sa listahan ang makaka-date at makaka-popoy.
  3. Ipakita sa super crush na siya ang kasama before Angelina Jolie.
  4. Gamitin ang mga extrang pages ng Jologs na notebook pampunas sa mga kalat after magpopoyan.

At dahil napatunayan na nina Hayden Kho at Katrina Halili ang bisa ng Jologs na notebook, siguradong matutupad na rin ang mga pangarap niyo. Abot-kamay ang pangarap sa Jologs na notebook. Maglalabasan na rin ang mga bagong designs ng artista notebooks, magkakaroon na rin ng cover sina Bong at Jamby.

Ako nga rin kukuha na rin ng Jologs na notebook, pero hinihintay ko pa ang limited edition cover ni Aling Dionesia. Mas matindi raw ang bisa sa pagtupad ng pangarap kapag si Aling Dionesia na ang nasa cover ayon sa mga manghuhula sa Quiapo. Mabibigyan na rin ng katuparan ko na magkaroon ng juwawhooper at ma-devirginate.

Panoorin si Aling Dionesia sa Shall We Dance this Sunday sa TV5

Kaya ano pa ang hinihintay niyo, bumili na ng Jologs na notebook.

 

But wait, there’s more…

Kapag bumili na kayo after a few minutes, may libreng PLUG AND PLAY DIGICAM na kasama.

 

And that’s not all…

Ang unang sampung makakabili ay makakatanggap rin ng libreng laptop.

 

Ano pang hinihintay niyo? BILI NA NG JOLOGS NA NOTEBOOK NGAYON DIN!!!

 

———————-

DISCLAIMER: The makers of Jologs na Notebook will not be liable if any of the consumers will use their products to make a sex scandal.

Be the first to like.
May 20, 2009

Scandalacious

Malamang marami na sa inyo ang nakapanood sa sex scandals ni Hayden Kho at Katrina Halili at sa iba pang babae. Kung di niyo pa napapanood, sobrang huli na kayo sa balita. Kung yung “Careless Whisper” pa lang ang nakita niyo, wala pa iyon sa kalufetan ng mga sumunod pang videos.

National Issue

Hindi ko ma-comprehend kung bakit kailangang maging national issue pa ang scandal na ito. Mage-gets ko pa siguro kung i-condemn lang nila ang may sala at mag-sympathize sa biktima na wala masyadong media hype. Kaya namang masolusyunan ng korte ang kasong ito. Kung gusto talaga nilang tumulong, daanin nila sa pag-amyenda ng batas na makatutulong sa mga susunod pang mabibiktima ng ganitong kaso. Sa pagse-sensationalize ng issue na ito, hindi ba nila naisip na mas lalo lang nilang iniluluklok sa kahihiyan ang iba pang biktima? Matutuwa ba ang biktima kung alam ng buong bansa at ng mga descendants nila na sumikat sila dahil sa sex scandal kasama ng isang doctor? Matutuwa lang naman sila kung sila yung hotel heiress sa ibang bansa. Kung meron mang dapat pang bigyan ng pansin ang politiko, yun ay ang virginity ko.

At isa pa, sabi nga ni Fritz

Sino gumagawa ng batas?

Heto ang isang patunay na ang batas ng Pilipinas ay isinusulat nina Cristy Fermin, Boy Abunda, Dolly Ann Carvajal at Jobert Sucaldito. Nasusulat din ang constitution natin sa mga tabloid, katabi ng mga articles nina Xerex Xaviera at mga crossword puzzle. Kung hindi rin ako nagkakamali, ang imbestigasyon ng mga mambabatas ay ginagawa sa plenary hall ng The Buzz, Startalk, Showbiz Central at Chika Minute ni Pia Guanio. Kung sa showbiz na lang din pala nagagawa ang batas natin, dapat yatang masolusyunan na rin ang lumalaganap na problema sa mga nakakabobong mga teleserye ng mga TV networks.

Showbiz makes the Philippines go round

Showbiz talaga ang nagpapagalaw sa bansa natin. Nabo-bore na siguro ang mga politicians natin sa kauupo sa loob ng batasan. Kaya hayun, nakikisawsaw na lang sila sa mga issue sa showbiz. Or baka dahil malapit na ang eleksyon kaya kailangang pumapel muna sila. Kung nagfi-feeling showbiz na lang din sila, daanin na lang sa reality show ang pagpili ng mga tagapaglingkod ng bansa natin di ba? Tapos yung sa pagka-presidente, gawin na lang mala-America’s Next Top Model tapos ang title “Philippines Next Th… este President.”

Para sa mga naghahanap ng scandal, nandito ang video. Mas kitang-kita ang pussy dito.

Continue reading »

Be the first to like.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines