On Lovelife and Priorities
Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa kukote ko at naisip ko ito. At sa kalagitnaan pa habang hinihilod ko ang mga banil at libag ng mga singit at kasuluk-sulukan ng katawan ko. Ewan ko ba, may espiritu yata ng kung ano ang tubig namin at talagang naitanong ko ito sa sarili ko:
Kailan ko ba gustong magka-lovelife?
Anong petsa? Anong oras? Anong araw ko ba gusto? Kailangan ba full moon? Kailangan ba high tide? Umuulan ba? Umaaraw? Kasabayan ba dapat siya ng pagpalit ko ng bedsheet? Kailangan ba after kong maligo? Or after kong magpa-diamond peel?
Like what I always say, siguro panlabing-limang libo siyamnapu’t siyam ko ng sinasabi ito sa marami, HINDI AKO NAGMAMADALI. In the first place, hindi pa naman talaga ako naghahanap. Ewan ko ba. Priorities siguro. Saka I have to love myself first, before I learn to love others. Kaya nga I love myself regularly; kapag mag-isa sa kwarto o kaya sa banyo.
Ano ba mga priorities ko?
- Career. Sa trabaho maraming pwedeng makasalamuhang tao. At sa mga nakakasamang taong yun pwedeng makita ang aking soulmate.
- Social Life. Men are social creatures kaya hindi pwedeng puro online ang buhay ko at kausapin ang computer ko sa office habang buhay. Kailangang maka-meet din ng ibang tao and who knows, baka may mapusuan ako sa kanila.
- Health. Health is wealth ika nga. Marami rin kasing mga kababaihan ay into fitness ngayon kaya pumupunta sila sa mga gym. Isa yun sa rason kung bakit ako nagwo-workout. Yun nga lang puro thundercats ang mga nasa gym namin. Syet, kailangan kong magpa-member na sa mas magandang gym!
- Sex life. Period. Iba yun sa love life. Period ulit.
ganyan din kasi ang hanap ko.
Adverse Reactions:
Status
- Happy 18th birthday @p0yt!!!
- @mspiggypop ang dali lang kaya. :P
- @mspiggypop wordpress is good. :D
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







