Warning: Pasintabi sa mga kumain, kumakain at kakain pa lamang. Basahin na lang ito ng naka-blindfold kung gusto niyo.
Saktong isang linggo na matapos ang Clear Black Night Halloween Party na naganap sa Taste Asia ng Mall of Asia. At huwaw! Ang daming nakaitim, syet! Ay oo nga pala, black party nga pala. Halu-halo ang mga nandoon, may mga nakaitim, medyo nakaitim, hindi nakaitim, maitim ang complexion, itim ang kilikili, itim ang singit at maitim ang budhi.
Dahil required na magsuot ng sexy black noong gabing yun, pumunta naman ang inyong lingkod in all black… except sa utak na parating green. Sinigurado ko ring magiging matulis ako that night… yung sapatos ko that is. At dahil nga maraming nakaitim, mahirap tuloy mag-standout sa crowd lalo’t napapaligiran ng beautiful people at nandoon pa ang mga candidates ng Ms. Earth. Umagos nga ang laway ko dahil karamihan sa kanila naka-backless pa. Si stunningly beautiful Ms. Tanzania nga, kahit sash lang, kung sakaling tanging yun lang ang suot talagang nakaka-wow ang hotness niya.
Sa mga party, dapat standout talaga. Usually, nadadala yan sa pananamit. Pero kayang dalhin naman sa ibang paraan para mag-standout.
- Iwanang bukas ang zipper. Effective para sa mga taong laging naka-”commando.” Pabayaang dumungaw si junior at magsasayaw sa ere habang dumuduwal lahat ng makakita sa kanya.
- Gumawa ng eksena. Pwedeng madapa o kaya mag-dive sa sahig, basta kahit anong pwede para mapahiya ang sarili as long na magmumukhang accidental. Kagaya ko, muntikang halikan ang sahig, buti na lang may butihing dilag na sumalo sa akin.
- Gumamit ng Clear shampoo and conditioner. Nakakaagaw pansin kasi talaga ang dandruff-free na buhok. Pero agaw-pansin din naman ang tumatalsik na dandruff sa mukha ng katabi, pero syempre mas maganda pa rin ang non-flaky hair and scalp. Para mas effective ang paggamit ng Clear shampoo, dalhin ito sa event, magdala ng tabo at tubig at maligo sa harap ng marami. Wet and wild pa ang dating.
Agaw-pansin din ang mga iPod touch ngayon, kaya kung gusto niyong makakuha nito, sumali na sa “My Clear Black Night Experience.”
Since, disqualified naman ako sa blog writing contest na nabanggit, ishe-share ko na lang ang isang effective diet secret.

Hindi yung baril ang diet secret dyan, titigan niyo mabuti si chewbacca. In a while, mararamdaman niyong magloloko ang tyan niyo at duduwal. Effective di ba?





