Browsing articles tagged with " Manny Pacquiao"
Jun 23, 2011

Clearing EDSA

Sa loob ng isang buwan kong pagwo-workshop, may isang lugar akong hindi makakalimutan. ANG KAHABAAN NG PUNYETANG EDSA.

Doon ko na-realize na justifiable pa pala ang traffic sa SLEX. Makati to Ortigas ay umaabot na ng 1.5 hours na byahe by commute, samantalang isa’t kalahating oras (or less pa nga) ang byahe ko from San Pedro to Makati during rush hours. Well, recently nata-traffic na rin ako sa SLEX Nichols to Magallanes but that’s another story. Oo may MRT, pero katulad ng EDSA, impyerno rin naman. Mas mabilis pero wasted naman paglabas ng train. Parang lahat ng sumasakay ng MRT nagmumukhang galing disaster o nagahasa ng limang elepanteng may mukha ni Jobert Sucaldito paglabas. In fact, walang silbi ang pabango at ang sariwang plantsang damit mo sa loob ng MRT. Pero kung maluwag at mabilis lang ang byahe sa EDSA, malamang hindi ganun kagrabe ang situation sa MRT.

Ano ba mga pwedeng solution para lumuwag ang EDSA?

  • Tollgates at mataas na toll fee. Simula kasi nang magtaas ang mga hinayufuck na tollway operators sa SLEX, kumonti na ang mga sasakyang dumadaan dito, lumuwag at bumilis na ang byahe. In fact, di na nga kailangang dumaan ng Skyway ang mga bus. Kaya kung magkakaroon din ng punyetang mahal na toll fee sa EDSA, malaki ang chance na maging maluwag ang EDSA ulit. Kasing luwag ng buray ng malanding hitad.
  • Make everyday a Sunday. Tuwing linggo lang lumuluwag ang kalsada kaya dapat tanggalin na dapat ang ibang araw sa kalendaryo at gawing Linggo na lang lahat ng araw. Sa ganitong paraan, matutuwa ang maraming empleyado kasi araw-araw lagi silang double pay. Hindi lang yun, kahit CBCP matutuwa kasi araw-araw magsisimba ang mga Pilipino. Magkakaroon pa ang mga Pilipino ng sariling langit dahil sa lagpas-langit na kabanalan.
  • Make Manny Pacquiao fight everyday. Ang luwag parati ng EDSA tuwing may laban si Pacman. Kung kailanganing kalabanin ni Manny ang buong population ng Mexico, why not? Basta ba sa ikaluluwag lang ng EDSA natin. Walang bayani ang hindi naghihirap para sa kanyang bayan, tama? Patok din ito sa mga nagpapapayat kasi mapipilitan silang maglakad dahil walang mga mamamasadang PUVs dahil busy sila sa panonood ng sandamakmak na commercials at laban ni Pacquiao.
  • Zombies. Dahil lumuluwag ang kalsadang may mga zombies.

Kailangan na talagang lumuwag ang EDSA. Nagdadatingan na ang mga imported sports car dito sa bansa natin tapos ma-traffic naman sa mga main thoroughfares. Anong silbi ng mabibiling sports car na Lamborghini, Porsche, Aston Martin, Peugeot, at Sarao kung 10kph lang ang takbo sa EDSA at 40kph lang ang maihahataw nito sa loob ng mga subdivisions? Saka paano mapapatakbo ng presidente natin ang Porsche niya sa EDSA natin?

1 person likes this post.
Dec 31, 2009

Bye 2009

Matatapos na ang 2009. Parang kahapon lang ay yesterday at parang ngayon lang ang today. Ang bilis ng panahon. Though, parang mas mahaba na ang summer ngayon. Kahit December or mag-e-Enero na ay mainit pa rin ang panahon. Salamat global warming.

Maraming nangyari sa loob ng mabilis na taon ng 2009. Pero sa akin, wala masyadong highlights. Hindi naman kasi ako nagpakulay ng buhok. Pero para sa pangkalahatan, maraming nangyari sa taong ito:

Celebrity Deaths. Local and International stars, maraming nag-departure papuntang langit. Pinaka-bigtime na kamatayan ang kay Michael Jackson. Bukod kay MJ, pumanaw na rin si Farrah Fawcett, James Carradine, Brittany Murphy at marami pang iba. Sa local scene naman, nandyan sina Francis M., Johnny Delgado at ng ating dating Presidente Cory Aquino. Pero sorry everyone, hindi pa rin nade-deads ang gusto niyong ma-dead, ang dakilang reyna ng Smurfs.

Sex Scandals. Nagpiyestahan ang mga miron at mga manyak sa sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili sa internet at mga DVD sa Quiapo. Pinag-usapan ng mahaba-habang panahon din at pati mga miron sa senado ay nakialam na rin para gawing national issue. Mas malaki pa ang issue kaysa sa patutuy ni Hayden.

Disasters. Dumating ang panahon ng tag-ulan at sinong mag-aakalang magbabaha ng sangkaterbang tubig at putik sa Metro Manila at sa maraming probinsya? This time, hindi lang pagka-stranded ang naranasan, kundi pati pagkasira ng mga pinaghirapan at pagkawasak ng maraming buhay. Sa kabila ng nakakalunos na karanasang ito para sa ating bansa, dito naman natin muling binuhay ang bayanihan sa makabagong media. Ang media na ginagamit mo sa pagbasa ng blog na ‘to; ang Internet. Twitter, Facebook, Plurk, pati na rin sa pamamagitan ng ating mga cellphones ay nagawa nating maipamahagi ang tulong kahit sa mumunting paraan na magagawa natin. And at the same time, sa panahong ding ito ko naranasan ang manghilakbot sa nakita kong mahiwagang kakaibang halimaw sa aming inidoro.

Pero di lang sa bagyo nagtatapos ang peligro, dahil hanggang ngayon ay nag-aalburuto pa rin ang Bulkang Mayon. Kung iniisip niyo akong ialay para matigil na ang pagngitngit ng bulkan, magtigil kayo! Hindi lang ako ang nag-iisang virgin sa bansa natin.

Massacre. Isa sa malaking news ngayon ang massacre na naganap sa Maguindanao. Maraming inosente at taga-media ang inalisan ng kanilang buhay. Ibinaon sa lupa kasama ng mga sasakyang ginamit. Bagamat natutukoy na ang may sala ay hindi pa rin siya/sila binibigyan ng hatol at naaakmang parusa. Mabuti na lang at hindi totoo ang mga zombie dahil malamang nilapa na ang mga kriminal na gumawa sa kanila nito.

Manny Pacquiao. Isang malaking taon ito para kay Manny Pacquiao. Bukod sa panalo niya sa boxing ay nabigyan ng career ang kanyang ina na si Madame Dionesia. Medyo idol niya yata si Tiger Woods kaya nagkaroon ng issue sa kanila ni Krista. Yun nga lang, talagang nagsusumiksik siya sa showbiz at music, at ngayon talagang nagpupumilit sa politics kaya nag-file na ng candidacy sa COMELEC.

Highlight sa akin?

Wala masyadong nangyari sa akin. Hindi ako nagbakasyon kung saan man. Nakaranas akong magpa-buzzcut nitong summer at nagkaroon ako ng mga bagay na hindi ko inaasahan. Kagaya nitong si Rihanna, ang aking HP Mini 110 na napanalunan ko sa event ng TV5 (salamat TV5). At ang dulot ng aking dugo’t pawis at tamod, si Penelope, ang aking Pentax K-m/K2000.

Lovelife or sex life na lang ang kulang. But who knows, baka may humabol bago matapos ang 2009 at makasabay ako sa pagpapaputok sa pagsalubong ng 2010.

HAPPY NEW YEAR TO ALL! 2010 BE GOOD!

1 person likes this post.
Jun 1, 2009

Pinoy Parazzi: Ang Bagong Captain Barbell!

MGA BIG STARS ang lahat ng gumanap bilang Captain Barbell. Gumanap na sina Edu Manzano, Bong Revilla at Richard Gutierrez bilang version natin ng superhero on spandex na nasa labas ng pantalon ang brip. Ngayong si Marian Rivera na ang gaganap na bagong Darna, sino naman kaya ang bagong Captain Barbell? Richard Gutierrez? Dingdong Dantes? Wala na bang iba? Marami pa naman ang gustong mabigyan ng magandang break, di ba? Kung pwede nga lang sana ako, bakit hindi? Kaso, ayaw ko namang mawalan ng fans ang mga matinee idols natin. Kawawa naman sila.

Sino ang pwedeng maging susunod na Captain Barbell? Alamin sa Pinoy Parazzi!

Be the first to like.
Pages:12»

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines