Nakapag-signup na rin sa wakas para sa Wordcamp Philippines 2008 na organized by Mindanao Bloggers. Medyo malayo pa naman ito pero ngayon pa lang ay nagre-ready na akong ipadala ang alagad ko. Sa September 6, College of St. Benilde ito gaganapin. Syempre dahil maraming ka-bloggista na naman ang pupunta kailangang maayos na maayos ang aking alipin. Baka kasi cosplay ang theme so pasusuotin ko siya ng kanyang birthday suit. Grabeng paghahanda yan… gym, spa saka elongation.
Bukod sa mapapalawak ko ang aking network, mapapalawak ko rin ang… ang aking kaalaman sa wordpress at ang kamunduhan nito. Kung di niyo po naitatanong bobo po ako sa mga codes. Dumudugo ang ilong, tenga at mata ko sa mga CSS, PHP at kung anu-ano pang mga katulad ng math. Kung porn siguro ibang part ng katawan ko ang kaya kong paduguin. Oh well, magpapapunta ako ng alagad sa Wordcamp para matuto pa ako ng marami sa mga bagay na di ko pa alam at makadaupang palad pa ang sandamakmak na pinoybloggers ngayon.
Saka baka manalo kami ng aking alagad sa raffle.
Heto ang mga sponsors:
- i.PH: the Domain for Individuals
- Free Online Flash Games
- Wazzup Manila Philippines
- Real Estate CRM
- Real Estate Website Designers
- Orange County Real Estate
- Auto Insurance Quotes
- Lane Systems Inc.
- RedMedia
- Orange County Business Lawyer
Sa mga nais pang maki-join, signup na.




