
- Sorry, nagkalat yung toilet papers namin
Sino ba ang hindi gustong kumita ng pera? Lalo sa panahon ngayon na lahat tumataas na tila pinainom ng Cherifer ang mga presyo ng bilihin. Kaya kung anu-ano ang sinasabak na gawain ng mga nilalang ngayon. Merong nangho-holdap, nang-i-snatch, at sumusugal sa ba… este sakla para magkapera.
Marami pa namang paraan para kumita ng pera, pwede naman ang sideline.
Sideline (n.) ang paraan para makabili ng Macbook Pro, Mac Pro, Leica 32MP camera at makapagtayo ng porn studio.
Heto ang mga ilang pwedeng sideline:
Tagakamot ng likod. Kapag may kakilala o kaibigang gustong magpakamot, singilin ng limang piso bawat kamot. So kung merong isang libong kaibigan, 5,000 din yun. Para effective ang pangangati nila, magbaon ng isang garapon ng langgam at ibuhos sa likod ng mga kaibigan. Pero kung sa “ibang part” naman ang nangangati, at hot naman ang tao, pwedeng gawin na lang ng libre.
Tagakulangot. Heto pwedeng singilin ng mahal. 100 to 500 pesos bawat butas ng ilong. Bakit mahal? Duh?! Ilong kaya ng ibang tao yun. Hindi naman kabisado ang ilong nun, saka mahirap din kayang dumukot ng kulangot aber.
Have extraordinary talents. Pag-aralan ang pagkain ng bubog o ng manok na buhay, paglamon ng apoy at pagtawid sa alambre. Kung magkakaroon ng katawan ng isda sa pagkiskis ng kabibe sa mga paa, gawin na rin. Mabenta ang mga ganyan sa mga peryahan. Who knows baka ma-feature pa sa Pinoy Records at masama pang extra sa pelikula.
Go bold. Mag-show, mag-sholbam, magbenta ng katawan. Since karamihan ng customers ay sa gabi kaya ok lang na gawing sideline. Saka usually midnight naman dagsaan ng kliyente, so kahit after work pwedeng makapag-powernap muna bago sumugod sa sideline na ito. Mag-set lang ng quota for the night para hindi naman masyadong haggard at makatulog pa ng maaga-aga.
Marami pang pwedeng gawing sideline at mga raket. Kagaya ko, sisimulan ko na ring rumaket. Kung may nais kayong graphic design na ipagawa (logo, corporate identity materials, print designs, etc. BUT NOT WEB DESIGN, PLEASE) mag-email lang sa akin dito: crost22@gmail.com.
Kung may other booking… pag-isipan ko muna yan.




