Independence…
Mahigit isang buwan mula ngayon ay lilipat na kami sa wonderful world of San Pedro, Laguna. Tatawirin namin ang ilang ilog at tatahakin ang isang mahabang landas patungo sa bago naming tirahan.
Well, hindi naman ganun kalayo talaga ang San Pedro. Matinding pakikipagsapalaran lang naman sa traffic ng SLEX ang sasagupain ko araw-araw kung du’n ako manunuluyan. Kaya naman, I decided na mangupahan na lang dito pa rin sa Pasay (or Makati) para malapit pa rin ako sa office. Kung magmumula pa kasi ako sa San Pedro, baka after lunch na ako makarating sa office dahil sa tindi ng lintik na traffic at kabagalan ng morning rituals ko.
At dahil decided na nga akong mangupahan na lang at mapalayo sa mga parents ko during workweek, heto ako ngayon nagmo-moment sa harap ng computer. Sa loob ng 26 years at bilang solong heredero ng aking mga magulang, ngayon pa lang ako mapapalayo ng tuluyan sa kanila. Kahit gaano pala kagusto ng isang anak na maging independent, hindi rin pala ganun kadali ang mapalayo sa magulang.
Marami din akong mami-miss na mga gawain. Mami-miss ko kapag darating ako ng bahay magtatanong kagad ako kay mommy ng “Mi, ano’ng ulam?” Mami-miss ko ang kakulitan ng tatay ko kapag medyo napaparami ng inom ng beer pati yung hindi niya pagkabisado sa mga artista. Hahanapin ko rin yung pagbati sa akin nina Olympus at Leica kapag dumadating ako. And the list goes on…
Mahirap yata talaga ang maging independent sa umpisa. Pero kakayanin ko ‘to. Mararanasan ko na rin ang matulog ng hubo’t hubad at walang pupuna kung may mga tyanak sa pader sa kwarto ko.
Sa mga namumuhay mag-isa at malayo sa mga piling nila, tips naman dyan?
Valentine’s Earthquake
Nagkaroon ng malakas na paglindol sa ilang lugar ng Kamaynilaan kagabi, February 14. Kakaiba ang lindol na ito at maging mga scientists, seismologists at manicurists ay nawindang sa lindol na ito. Hindi lang kasi naka-sentro sa isang lugar ang epicenter ng lindol. Napabalitang ang malalakas na epicenter ng lindol ay nasa Pasay, Sta.Mesa at Pasig. May mga ulat ding lindol sa ibang lugar ngunit hindi katulad sa lakas ng lindol sa mga nasabi.
Ayon sa research ng mga basyador, ang lindol na ito ay hindi naman peligroso sa buhay ng marami. Hindi rin naman daw ito nakakasira ng mga gusali at iba pang infrastructures, though may isolated cases na pagkakasira ng paa sa mga kama. Wala rin namang namang napapahamak na mga mamamayan, ngunit may ilan namang nasasaktan. Ang kadalasang napapabalitang namamatay ay dahil mayroon namang mga heart ailments hindi dahil sa lindol. Kadalasan nga raw ay bumubuhay pa ito makalipas ang ilang buwan.
Madalas daw mangyari ang lindol na ito sa mismong araw ng mga puso o Valentine’s day. Hindi rin ito lubos na maunawaan ng mga tomador sa kanto. Kadalasan nga ay nararamdaman pa ang aftershock ng nasabing lindol kinabukasan kapag natapat ito sa weekend. Kaya nga sa kasalukuyan ay nadadama pa ang aftershock sa kinatatayuan ko ngayon.
Natagpuan na po namin ang ilan sa mga epicenter ng lindol. Heto po ang kanilang mga larawan:
Adverse Reactions:
Status
- Catching up on my TV series.
- @JohnLloyUmali medyo malayo na yun kasi nakabitin eh.
- @rochellesychua we can always make our own fruit shakes. controlled pa natin ang ingredients. ;)
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






