Sleepyhead?
May mga araw na nakakatamad at nakakaantok ang panahon. Lalo na kung summer. Actually, kahit anong klaseng panahon naman talaga nakakatamad, umuulan man o umaaraw. Kahit pa yata umulan ng mga balyena sa langit nakakaantok pa rin. Bagamat inaantok at tinatamad, mas maraming panahon na kailangang kumilos para lang kumita ng pera para pangupahan sa mga sholbam at mga pokpok.
Syempre kapag kinakailangan na ng ating mga powers, nararapat lang na maging alert. Lalo na kung nangangailangang humarap sa mga clients, hindi pwedeng mukhang bangenge na nakalulon ng sandamakmak na cough syrup at rugby.
Kumpletuhin ang tulog. At least 6 to 8 hours na tulog dapat para pagputok ng araw – hindi yung pagputok na iniisip niyo – buhay na buhay ang libido… este ang diwa. Mahalaga ang kumpletong pagtulog para makapag-”recharge” ang ating mga nagse-sexyhan na katawan. At the same time, pati ang resistensya ng ating mga hot bods ay malakas laban sa mga germs.
Oops. Wrong germs.
Coffee. Alam naman na natin ang bisa ng caffeine sa ating katawan para maging alert. Isa na nga ang kape sa mayaman nito. Pero marami na rin ang hindi tinatablan ng kape para magising. Kaya dapat, magtimpla na lang sila ng mainit na kape sa isang drum. Pero, hindi ito iinumin, papasok sila sa loob nito habang mainit pa. This way, magigising talaga with the benefits ng antioxidants na nagsusumiksik sa balat habang ito ay nalalapnos. Wala naman sigurong nakakatulog kagad kapag mahapdi ang balat di ba?
The balls of power. Kung ikaw ay lalake, nararapat sa iyo ito. Sa tuwing dinadapuan ng antok, pitikin ang inyong bayag. Kung hindi effective, umupo ng biglaan sa armrest ng upuan. Mabisang-mabisa ang paraan na ito para magising ng husto. Maaari ding magsuot ng napakasikip na pantalon or shorts para mas madaling mahagilap ang bayag at hindi na nangangailangan pang magbukas ng zipper.
Sakit di ba? Pati sa mata.
Use your undies. Ibabad sa bahay ng langgam ang brip o panty bago isuot. Hayaan ang mga langgam na papakin ang mga singit, itlog, patutuy at mga talulot ng flowers niyo. Lalo pang magigising kung mga antik ang papakapitin sa inyong underwear dahil mas matindi pa ang mga kagat nila. Dagdag pa epekto ng pagiging gising ang pangangati ng mga pantal. Huwag mag-alala, parang kagat lang yan ng langgam.
Ngayon alam niyo na mga paraan para maging gising parati.
Hot, Wet and Wild!
Ibang-iba na talaga ang weather natin ngayon. Hindi ko na nga ma-comprehend dahil lagi na lang pabagu-bago. Ngayon maaraw, tapos maya-maya lang biglang bubuhos ang mala-waterfalls na buhos ng ulan. Malamang may tumawag sa kapangyarihan ni Donna Cruz at napakanta siya ng…
Rain gently falls whenever we say goodnight
Falling like when your out of sight
Rain follows me even in my bed
And rain is the tears that I shed
Iba talaga ang kapangyarihan ni Donna Cruz!
Hindi ko nga mawari kung tapos na nga ba talaga ang summer. Kasi kahit anong lakas ng ulan, hindi naman niya napapawi ang aking hotness… este ang aking pag-iinit… I mean yung init ng panahon. As is pa rin, mainit pa rin talaga. Dumidikit na nga ang balat ko sa damit ko dahil lumalagkit ang pakiramdam ko sa init. Kulang na nga lang sumama na pati balat ko sa mga t-shirts at pantalons ko at matira na lang ang madugo kong laman loob. But anyway, yung paglalagkit naman sa brief ko ay ibang pag-iinit ang dahilan.
Sa ganitong panahon pa, hindi ko malaman kung ano ba ang dapat na isuot. Hindi naman pwedeng jacket, kasi most of the day sobrang init. Kapag nagsuot ng jacket sa kasagsagan ng ulan, maya-maya lang sisiwang na ang araw sa makapal na nimbus clouds, magse-say hello ang dakilang araw at itatapat niya ang kanyang sinag sa nilalang na balot na balot ng makapal na jacket na parang tinutukan siya ng spotlight. Hindi naman pwedeng di maghanda, kasi kapag umulan sureball magwe-wet… este mawe-wet ako at mapapakanta ako ng…
Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana’y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan
Kaya nga payong na lang ang lagi kong dala.
I’m so hot now but later I’ll be wet.
Malala na talaga ang epekto ng global warming kaya pati ulo ko nag-iinit na rin. Kilala niyo na ang may sala kung bakit ganito ang panahon natin ngayon.
————
On the side note…
Malapit na pala ang birthday ng inyong lingkod at as expected wala namang magbibigay sa inyo ng wishlist ko isa na lang ang hihingiin ko sa inyo…
Ano ang birthday wish niyo para sa akin?
Kung gusto niyo pang magbigay ng video greetings ok lang din, para showbiz na showbiz na ang dating nun. Pero open pa rin naman ako sa cash gifts.
Langya, parang ang desperado ka namang manghingi ng birthday wish.
Adverse Reactions:
Status
- Last episode. Too many "It isn't what it seems" moment. http://t.co/TPDdVEyL @GetGlue @TheKilling_AMC
- No, I'm not eating. (@ Food Choices w/ 6 others) http://t.co/WJflxtdG
- Gym stereotype characters... Bah!!!
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)








