Browsing articles tagged with " summer"
Apr 17, 2011

Working the Way to Stardom

It’s time to try
Defying gravity
I think I’ll try
Defying gravity

Iniisip ko tuwing tinatahak ko ang aking biyaheng pauwing San Pedro kung tama ba talaga ‘tong ginagawa kong kagaguhan ko ngayon. Tama bang pagurin ko ang sarili ko para sa bago kong pinagkakaabalahan ko ngayon? Ano na kaya ang nangyayari kay Mutya?

Kung hindi niyo kasi natatanong, nag-enroll ako para sa basic acting workshop somewhere sa Ortigas. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko alam kung aling engkanto ang sumapi sa akin at nagising ako isang araw na gusto kong gawin ito. Hindi rin naman ako nakahithit ng tinustang kupal ng bilasang palaka para maisipang gawin ito. Basta bigla ko na lang naisipang mag-enroll.

Napakaarteng nilalang na ako, walanghiya at self-proclaimed celebrity na ako, bakit kailangan ko pang gawin ito?

Hindi sapat na walanghiyang tao na ako, dapat kumapal din naman ang mukha ko. Saka ano silbi ng pag-iinarte ko kung ako at iilang tao lang naman ang nakakakita, di ba? I need to step up at matutong kapalan ang aking face. Wala kasi akong patutunguhan kung hiya at kaba lang ang papairalin ko habang buhay.

Ang tanda ko na, bakit ko pa gagawin ito?

Duh?! Adult beginners’ acting workshop naman ang kinuha ko at hindi naman yung kiddie. Ano ako? Guardian ng mga bata? Hindi lang naman ang mga bata ang pwedeng mangarap at maging performer. Kung hindi ko pa ito gagawin ngayon, baka tumanda at mamatay na lang ako na bitter ocampo forever and ever gotesco. 27 years old (turning 28) is not that old, unless, aso ako.

Taga-San Pedro ka, tandaan mo.

Eh ano naman? Minsan ko lang namang gawin ito sa tanang buhay ko. Hindi ko nga pinroblema kagad yan nang nag-enroll ako. Sabi ko na lang sa sarili ko, “Saka ko na problemahin yan kapag nagwoworkshop na ako.” Ano ba naman ang 6 weeks na workshop?! Oo nakakapagod lalo’t may day job din naman ako. Pero kapag gusto mo ang isang bagay, meron talagang kailangang i-sacrifice kahit papaano. Non-existent night at sex life lang naman ang sina-sacrifice ko… at masarap na luto ng nanay ko.

Dalawang linggo pa lang akong nagwo-workshop pero unti-unti kong nararamdaman ang pagbabago ko. Alam niyo yun, parang nawawala na ang libog ko… ay, no. I mean, mas nagiging comfortable na ako sa pagkatao ko.  Hindi pa masyadong obvious, pero nararamdaman ko na. We will get there.

Hindi ko nga nakuha ang desired role ko para sa recital namin sa May 28 and 29. Marami kasing magagaling na actors sa klase namin. Pero ok lang, kahit nga gumanap pa akong tuod o poste. Basta titiyakin kong ako ang pinakamagaling na tuod sa entablado. Kung hindi niyo ako napansin sa stage, ibig sabihin effective ang role ko bilang poste.

Tama ba itong ginagawa ko? Iyan ang hindi ko alam at wala akong pakialam. Ang mahalaga lang naman sa akin ay masaya at gusto ko ang ginagawa ko. Kahit sabihin pang hindi ako magaling,kaliwa lahat ng extremities ko at mabaho ang utot ko, ok lang. Kahit nga mag-acting workshop pa ako kasama ng mga preschoolers ng sampung libong beses ay gagawin ko para lang matuto at marating ang aking mga pangarap.

Pagkatapos ng acting workshop, driving lessons naman ang kukunin ko. Bike lessons… hahayaan ko ang soulmate ko ang magturo sa akin nyan.

Be the first to like.
Feb 27, 2011

Surviving February

Kung akala niyo ay namatay na ako dahil sa bitterness noong Araw ng mga Puso, nagkakamali kayo. Buhay na buhay pa ako. I am proud to say that I survived Valentine’s Day. Hindi ko rin ipinagdiwang ang Singles’ Awareness Day (SAD) dahil para sa mga bitter lang yun—acronym pa lang bitter na bitter na. Wala rin akong date o anuman, basta “nairaos” ko lang ang balentayms na walang kamalay-malay. At hindi yun through wet dreams, wag kayong maduming mag-isip.

Patapos na ang February at heto nadadama ko na ang summer. Heto ang panahon ng pagpapapayat at pagpapatikas ng katawan na pang-show off sa mga beach. Heto ang panahon ng pagpapakita ng mga pusod at ang panahong maisusuot ko na ulit ang espadrilles ko (bawal kasi mabasa ang espadrilles). At ang panahong mahigit isang libong beses mababasa sa twitter at facebook status ang mga salitang “ANG INIT!!!” Magreklamo kayo sa araw at huwag sa mga social networks!

Pero para sa akin, gagawin kong productive ang summer ko. No, hindi yung dadagdagan ko ang sipag ko sa trabaho. Gusto ko pang humaba ang buhay ko. Ayaw ko pang mapuksa sa stress. Gusto ko yung something life-changing.

MAGIGING WHOLESOME NA AKO AT PAPASOK AKO SA SEMINARYO.

Joke.

Pero seryoso, gusto kong gumawa o matuto ng something new. Or at least yung ikaliligaya ko, aside sa mga palad ko. Ano sa palagay niyo ang dapat kong gawin?

Audition sa Pinoy Big Brother? Mangyayari lang yan kung magkaroon ako ng 100 unique comments sa post kong ‘to before March 3. Which is malabong mangyari.

1 person likes this post.
May 31, 2010

Vacationless Summer

Oh-em-gee! June na. Tapos na naman ang summer at hindi ko man lang napansin. Simula kasi nu’ng nagtrabaho ako, wala ng pinagkaiba ang summer sa ordinary days. Mas mainit nga lang.

Paano ko rin ba mapapansin ang summer? Hindi ko rin naman naranasang magbakasyon. Pinagpala nga ang summer months ng sandamakmak na long weekends ni PGMA, hindi ko man lang nagamit ito. Yung Holy Week vacation, hindi naman ako pwedeng magpakasarap dahil ayun ang mga panahon na naglilipat kami sa San Pedro.

Hindi ko rin na-utilize ang ibang long weekends ko for some valid reasons. Kapag weekends nga mas madalas lang ako sa aming tahanan sa San Pedro dahil nakakatamad lumuwas—I hate that term—papuntang Metro Manila. Kahit nga sa mga inuman, mas madalas akong nag-decline dahil sa mga conflicting scheds.

2 years ago pa ang last vacation ko. Pagkatapos ng pic na yan, ibinalot ako ng barkada ko sa loob ng duyan na yan. I love my friends.

Dalawang magkasunod na taon na akong di nakakaranas ng outing. Kaya naman tigang na tigang na akong makatikim ng buhangin at maalat na tubig. Kahit hindi muna ako makatikim ng sex this year, wala na akong pakialam. Kaya kong magtiis ng libog para lang makatikim ako ng seryoso at relaxing na bakasyon. Kahit pa sa Pansol lang yan kakagatin ko na.

Kapag nangyari yan, malamang magkaroon pa ng engrandeng dance number sa beach (o pool) sa orgasmic na kaligayahan ko.

—————–

Isa sa malaking suliranin ng ating bayan ngayon ay hindi ang magulong takbo ng mga resulta sa eleksyon o ang pagkawala ni Willie Revillame; kundi ang pagkakaroon ng magandang buhok. Madali na lang ang pagkakaroon ng magandang buhok ngayon dahil hindi na kailangan pang ipa-prayover kay Bro. Mike,  mag-alay ng birheng bayawak o lumapit pa sa mga experts. Dahil ngayon, inilagay na ang mga hair experts sa mga bote ng Sunsilk Co-Creations para sa lalong ikakaganda ng buhok niyo.

Note: Hindi pala kasya ang mga hair experts sa bote ng Sunsilk Co-Creations pero partners sila sa paggawa ng mga variants nito

Be the first to like.
Pages:12»

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines