Browsing articles tagged with " tardiness"
Jul 22, 2009

Late… Oh No!

Nitong mga nakaraang araw napapadalas ang late ko dito sa office. Hindi ko nga mawari kung bakit nagiging madalas itong tardiness ko. Kahit anong pagmamadali ko, talagang kung anong invisible na hadlang ang nagpapa-late sa akin.

Maling Akala

Last week, Monday, yung day na may transport strike. The night before pa lang talagang naka-mindset na sa akin na gigising at papasok ako ng maaga dahil ina-anticipate ko na nga yung strike. Natulog na nga rin ako ng maaga-aga para sa aking gwapo rest para glowing din ako sa pagpasok sa office.

Kinaumagahan. Aba! Nagising nga ako ng maaga. Nakapag-almusal na rin ako ng mabigat saka nakaligo. May oras pa nga ako para mag-breakdance sa saliw ng tugtuging “Boom Boom Pow”. Nakabihis na rin ako at ready na talagang mag-commute sa office. Laking gulat ko na lang nang idilat ko ang mata ko. Regal shockers!!! Panaginip lang pala ang lahat. Tapos, 8am  na at 8:30am ang aking pasok sa opisina. Talaga namang diretso kagad ako sa banyo para maligo. Kung tanggap lang sana sa opisina na pumasok ako na amoy lungad at nakapambahay lang, gagawin ko na talaga.

Tapos, ang ulan naki-jamming pa sa transport strike, tapos todo-effort pa sa buhos. Kilala pa man din ang workplace ko sa Makati na talagang binabaha kahit isang balde lang ang ibuhos ng langit. Kaya naman combo ng todo-todo ang tadhana para ma-late ako. Buti na lang, medyo pinalad ako na makasakay ako kagad ng jeep papuntang office. Or else, baka nag-cartwheel ako papasok ng office at super late na.

Anak ng Gulay

Hetong nagdaang Monday lang, nagising ako ng maaga at hindi na panaginip yun. Nakapag-almusal na rin ng masarap na chicken noodles with egg. Nagmadali na rin akong maligo at sa mga morning rituals ko – hands solo not included. Tama lang ang oras ng pag-alis ko sa bahay para di ako ma-late sa office.

Sumakay na ako sa jeep at ipinasak ko na earphones ng aking MP3 player sa aking tengang sexy. Kampante na akong makakapasok ng maaga for the first time after a month. Bigla ba namang huminto sa may kanto namin ang jeep na sinasakyan. “Oh syet! But why?” May parada ng mga preschoolers para sa Araw ng Gulay yata yun. Akala ko nga mga dalawa o tatlong sets lang ng preschoolers ang pumarada sa harap namin. Walo hanggang sampung sets na may tig-50 na pupils ang dumaan. Anak ng tinapang pinahiran ng mantikilyang kinalburong binakol! Minsan na nga lang ako pumasok ng maaga ganito pa ang nangyari.

Talagang malapit na akong mawalan ng pasensya. Gusto kong ipasak sa lalamunan ng mga bata yung mga gulay na suot-suot nila. Tapos, hahanapin ko kung sinuman ang lintek na organizer na nakaisip na magkaroon ng parade during rush hour at ipulupot sa leeg niya ang chord ng aking earphone hanggang sa mabulunan siya sa baho ng hininga niya. Buti na lang nakapagpigil ako. Naisip ko kasi baka lalo akong ma-late kapag ginawa ko iyon saka mahal nga pala ang earphone ko.

Hindi naman siguro ako ganyan maglakad papuntang work para ma-late

I swear, ginagawa ko na lahat ng makakaya ko para makapasok ng maaga. Tinawagan ko na ang mga santo sa pagpasok ng maaga at nag-e-eggroll na ako papunta sa kama para di na ako ma-late. Kailangan ko pa yatang lumamon ng apoy saka isuko ang aking virginity para di na ako ma-late, ever.

Be the first to like.
Jan 12, 2009

I Repent!

Patawarin niyo ako…

Kung lagi akong late pumasok sa trabaho. Hindi ko naman sinasadya na masakyan ang mga jeep na mahilig maghintay ng pasahero sa mga kanto. Pasensyahan niyo na rin ang alarm clock kong abnormal na kadalasang hindi tumutunog sa umaga.

Patawarin niyo ako…

Kung madalas ang aking pag-jebs at i-declare pa sa buong mundo. Hindi ko naman kasalanan kung sensitibo sa lamig ang bituka ko. Naghuhugas naman ako ng puwet at kamay ko, safeguard pa nga gamit ko habang kinakanta ko pa ang “Happy Birthday” song twice. Saka kapag umuutot naman ako, sinisinghot konaman lahat para hindi niyo na maamoy.

Patawarin niyo ako…

Kung hindi ko pa natitikman ang Baconator. Kahit yung McDo Double Quarter Pounder. Masyado na kasi siyang makasalanan para sa akin. Hindi ko yata kasi kayang i-burn ang 830 calories at 1880 mg ng sodium. Kung bubudburan siguro nila ng gamot pampapababa ng blood pressure baka tikman ko pa yan.

Patawarin niyo ako…

Kung mahalay ako. Pasensyahan niyo po ang aking hormones parati kasi silang raging. Hindi ko sinasadya na parating sabik lalo’t sa panahong malamig, gusto lang kasing magningas ng aking t… torch. Though, wala naman talagang pinipiling season ng aking fertility. Unawain niyo na lang ang pagiging repressed ko.

Patawarin niyo ako…

Sa kagwapuhan ko. It’s not my fault, it’s in the genes. Hindi ko naman kasalanan kung noong nagsabog ng aesthetic wonders at kapal ng mukha ay kasama akong nakasalo nun at marami-rami pa ang nakuha ko. Sinamahan pa ng katakam-takam at kalasap-lasap kong katawan.

Sana mapatawad niyo na ako, alang-alang lamang sa paggaling ko mula sa sipon. Para rin ito sa kapakanan ng nakararami, baka kasi masinghot ko pa ang buong mundo.

Photobucket

Be the first to like.
Jul 27, 2008

It’s better be NOT late

Nitong nakaraang napansin kong late na akong dumarating sa office. At imposible rin namang hindi yun mapuna sa aking pinapasukang trabaho, kaya napagsabihan na ako, lalo’t provee (sosyal na probee) pa naman ako. Sa banyo lang naman ako madalas matagalan sa umaga. Ano ginagawa ko? Hulaan niyo na lang.

Sure naman akong hindi lang ako ang may sakit ng tardiness sa mundong ito. Minsan nga ang mga opisina pa nag-aadjust sa mga empleyado. Dinadagdagan ang grace period, ginagawang flexitime ang sked at kung anu-ano pa. Well, mahirap nga naman kasing gumising ng maaga unless of course, ipinaglihi sa tandang na kailangang maging early riser o di kaya’y nakalunok ng alarm clock na naka-time sa maagang oras.

Paano nga ba pwedeng remedyohan ang pagiging late?

1. Gumising ng maaga. Dapat mag-alot ng mahabang oras sa umaga para hindi male-late. Almusal, ligo at kung anu-ano pang morning rituals, marami yan lalo’t kung mabagal pang kumilos gaya ko. Kung 8am ang pasok at ang kilos ay mala-matrix bullet time, eh dapat ang gising na oras ay 3am pa lang. Saka minsan kailangan din ng mahabahabang oras para sa pagjebs.

2. Matulog ng maaga. Syempre kapag maagang gigising dapat maaga ring matulog, para maiwasan din ang dark circles at eyebags. Yung mga ginagawa sa late ng gabi gaya ng panonood ng late night shows/movies, pagpoporno, pakikipagpopoyan at kung anu-ano pang milagro sa gabi ay gawing mas maaga. Tipong 6pm pa lang ay nakaraos na at pagdating ng 8pm ay matutulog na. Kung mahaba naman ang oras sa umaga, dun na lang gawin ang mga “milagro” at pagpopopoy para mas maganda ang gising. Or tiisin na lang hanggang weekend, para mas lalong pinipigilan, mas wild mga pangyayari.

3. I-set ng advance ang alarm clock. Hindi ito effective sa mga matatalino kasi alam nilang nai-set nga ito ng advance, therefore, effective lang ito sa mga bobo. Kaya sa mga matatalino out there, magpakabobo para sa alarm clock para di ma-late. I-alarm ito sa mas maagang oras ng paggising. Siguro mga 15 mins to 30 mins na oras ng actual na pagbangon. Kasi hindi naman kaagad na babangon pagkatunog ng alarm clock. Meron dyan magmumuni-muni pa, iidlip at naglalaro pa sa ilalim ng kumot. Just be sure na gagawin ang pagmumuni-muni, idlip, etc. in under 15 to 30 mins, at huwag ng mag-extend.

4. Kumilos ng mabilis.Lalo kung alam na male-late. Huwag ng mag-almusal, ok na kahit “coffee na lang dear”. Sa banyo maligo na lang, kung pwedeng punas-punas at wisik-wisik na lang, wala ng kung anu-ano pang ginagawa. Kung jejebs man, pigilan na lang hanggang sa makarating sa paroroonan, malas na nga lang kung walang CR.

5. If all else fails, lumipat na ng trabaho. Isa sa kadalasang reason ng pagiging late ay ang pag-ayaw na sa trabaho o sa pinapasukang kumpanya. Last option naman ito dahil hindi naman ganun kadali maghanap ng malilipatan. Saka kung lilipat man ng papasukan dapat yung adjusted na sa oras na hindi mahihirapan sa paggising. Pwedeng sa mga office na hapon ang pasok or pwede ring maging pole dancer sa nightclub at sholbam sa tabi-tabi. Malaki pa kita dun… kapag galante ang customers syempre.

Sana naman magawa ko rin naman ang mga yan para hindi na ako ma-late, di ba? Malaki-laki na rin ang kaltas sa akin saka, provee pa nga pala ako. Wala pa akong special treatment sa office.

Kaya mamayang gabi, hindi muna ako magpu-plurk… porn na lang.

Be the first to like.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines