Browsing articles tagged with " wifi"
Sep 6, 2008

WordCamping 2008

Ang saya ng WordCamp (slash PlurkCamp Beta). Hindi lang na-meet ang cool bloggers kundi nakapag-load din ng sandamakmak na information sa aking juicing juicy na utak. Isinama nga rin ang katangi-tangi kong girlfriend na si Caitlyn—girlfriend namin ng kuya/pinsan ko.

Ang daming nagpunta, pure win ang event na organized ng Mindanao Bloggers.

Medyo nagwater-effect ang paligid, kasi nagkaroon ng flashback during school days (note: hindi po ako graduate sa CSB). Yung mga panahon na palipat-lipat ng classroom, sharing ng baon, saka yung gumagawa ng ibang bagay habang nagdi-discuss… ooops! Buti nga hindi pa nag-cutting class.

First subject namin ay kay Jayvee, akala nga namin suspended na ang classes. Yun pala maling classroom ang pinasok. Napa-breakdance nga ako sa major bigtime fail moment na yun. Late tuloy kami sa class niya, buti na lang mabait siyang teacher at pinapasok pa kami.

Next class ko ay kay Markku. Tungkol sa WordPress plugin. Grabe, bumaha yata ng dugo na umaagos mula sa ilong na dinaig pa ang heavy flow ng regla. Muntikan na nga rin yata akong magka-aneurism dahil sa topic niya. Mabuti na lang, very light ang paraan ng pag-discuss niya para naman ma-comprehend at matuto ang mga audience niya.

Last class nu’ng morning ay kay Kring. Very entertaining, kulang na nga lang tumambling at mag-eggroll siya and she’ll own WordCamp. Gumawa nga ng statement lalo dun sa part patungkol kay Marian Rivera:

She was NOTHING.

Saka memorable ang isa sa kanyang blooper moment. Kung ano yun? Hulaan niyo na lang.

Nung hapon, nag-discuss si Matt Mullenweg tungkol sa future ng wordpress. Na-outshine niya nga ang kagwapuhan ko, daming bebot ang nagkandarapa at nagkasugat-sugat ang tuhod para magpa-picture sa kanya. Syempre kailangan kong sabihin yan kasi founder siya ng WordPress kung hindi baka mamaya patalsikin ako sa WordPress. (Translation in case Matt will read this: You’re the Man!)

Kamusta naman ang wordcamp? Dahil free wifi at marami syempre ang may dala ng kani-kanilang laptop at gadgets, plurk galore. Kahit magkakatabi na, sa plurk pa rin nag-uusap. Buti na nga lang hindi lahat may dalang laptop or wifi enabled ang kanilang gadgets, dahil kung hindi baka sobrang tahimik sa theatre at sa plurk na lang ginagawa ang mga discussions.

Pinagamit ko rin pala si Caitlyn sa ibang nangangailangan ng kanyang services. Next time nga magpapabayad na ako para may kickback naman.

Yun nga lang, dahil kasama ko nga ang “girlfriend” kong si Caitlyn, umuwi na ako ng maaga at hindi na dumalo sa afterparty.

Congrats sa mga organizers, sponsors and volunteers para sa napakasayang event.

——

Mukhang puro event ang mapo-post ko for the month of September.

Be the first to like.
Aug 3, 2008

State of the Nation ni Billycoy (Year 3)

Mabuhay mga repakuls dyan!

Bago ang lahat, hindi po hot pink ang suot ko ngayon na katulad ng sinuot ng inyong presidente. Ang suot ko po ngayon ay see-through mesh, at tanging yun lang. Kung nais niyong makita ay tatayo lang ako sa tabi ng aking podium, ngunit hindi ko na lamang gagawin iyon. Baka mawala pa ang natitirang respeto niyo sa akin.

Dumaan na naman ang isang taon sa ating bansa. Maraming nangyari sa nagdaang taon, taas, baba, taas, baba… oops, tama na, magiging mahalay na ang lalabas… oops “lalabas”!? Tama na nga.

Sa kabila ng pagbaba ng estado ng buhay ng ating sambayanan, maraming bagay naman ang tumaas. Mas lalong tumaas ang rating ng Dyesebel sa primetime TV. Tumataas na rin ang bilang ng mga imported TV shows and reality series sa magkalabang stations. At dahil patuloy na dumadami ang mga artista sa pinoy showbizness, dumadami na rin ang nagse-celebrate ng birthday sa sunday noontime shows.

Nakaka-alarma naman ang patuloy na pagdami ng mga nilalang na patapon ang buhay, mga walang kinabukasan at mga halimaw sa ating bansa. Kaya’t patuloy pa rin ang pagsupil sa kanila. Malaking tulong ito para mabawasan din ang populasyon ng ating bansa.

Bukod sa mga wifi hotspots, ikakalat ko na rin ang english hotspots sa buong bansa. Ayun lamang ang mga area na pwedeng magsalita ng ingles, ang magsalita ng english beyond this area ay raratratin ng AK47. Sa mga lugar ng english hotspots, itatalaga ang mga medics para magsagawa ng first aid at may dala ng tampons pampasak sa mga ilong ng mga nagno-nosebleed.

Bibigyan ko ng livelihood project ang mga nangangailangan. Papayagan ko silang magbenta ng laman, as long na nagtataglay sila ng katakam-takam na katawan, or else, popoksaen din sila.

At bago matapos ang aking State of the Nation, binabati ko sina Marian Rivera at DingDong Dantes na magdidiwang ng kanilang birthday sa buwan ng Agosto.

Papasalamatan ko muna ang aking mga sponsors. Thank you Minute Burger para sa inyong buy 1 take 1 burgers. Mini Stop para sa napakasarap nilang sundae cone. Salamat din sa nananakawan ko ng wifi signal, kung sino ka man, more power to you, pataasin mo pa bandwidth subscription mo at huwag ka sanang lumipat ng bahay. Kay Sarhento Magtanong, na maasahan mo sa lahat ng pupuntahan. Nagpapasalamat din ako sa SM Mall of Asia dahil itinayo ito sa Pasay City kaya’t isang sakay lang ito mula sa amin. Salamat din kina Belo, Doc Manny at Pie Calayan para sa pagreretoke ng ating mga pangit na artista. At higit sa lahat, salamat kay Aling Keka dahil pinsan siya ni Malou na tiyahin ni Matilda.

I thank you. Bow!

Photobucket

Ang iba pang SONB:
2007
2006

Be the first to like.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines