Basura Blogs, journal

Tell me what your bottle is and I tell you who you are

colorful second cup bottles held by man
Posted by billycoy

Ngayon, manghuhusga tayo ng mga tao according sa mga brands ng water bottle na gamit nila. Wala itong psychological basis o scientific studies, sadyang mapanghusga lang talaga ako. Hindi rin ako psychic at wala itong basehan sa realidad. Kung hindi ito ayon sa pagkatao mo, eh di huwag. Alanganin namang ipilit ko.


Hindi sila nagbabantay ng water intake. Naaalala lang nila uminom ng tubig kapag na-realize mo na puro softdrinks at sugary drinks pa lang ang iniinom nila buong araw. Pero resilient sila kasi kaya mong mabuhay sa isang patak ng tubig lang sa isang araw. Mga walang arte sa katawan. Safeguard soap ang panligo at panghilamos.
Lucky color ay red. Lucky number ay -2.

Kung hindi sila estudyante ay newly hire sila sa trabaho. Nadetect na may UTI sila sa medical exam kaya nirekomendahan na damihan ang nila ang water intake kaya napabili ng Aquaflask. Tambay rin sila sa mga restroom dahil nadiscover nila na mahalaga ang rehydration at ang resulta rin nito ay ang palagiang pag-ihi.
Lucky color ay gradient lavender. Lucky number ay 8.

Sila yung mahilig sa mga anik-anik at mag-customize ng mga bagay-bagay. Mga isang libong phone cases na rin ang nabibili nila at karamhan dito ay hindi pa nagagamit. Bawat punta rin nila sa Pop Mart ay may nabibili silang mga figures o plush pendants. May bagong gym membership o di kaya may subscription sa classpass.
Lucky color ay pastel yellow. Lucky number ay 5.

Kung hindi regalo ay mga mapagkakamalang shareholders ng Starbucks sa dalas nilang pagtambay dito. Kumpleto na rin nila ang mga planners na tuwing January lang nila nagagamit. Kahit kaka-announce pa lang ng collections of stickers para sa Traditions promo ay kinabukasan nake-claim kagad nila ang planner. Nabubuo din nila ang set sa Starbucks Traditions promo.
Lucky color ay Starbucks Green. Lucky number ay 19.

Hindi sila umiinom ng hot drinks. Mga frequent travelers din sila at hindi naghihintay ng mga promo fares. Kung hindi sila digital nomads, nauubos din kagad ang mga PTOs o VLs nila sa opisina kahit wala pa sa kalahati ng taon. May Schengen visa din at ginagawang Tagaytay lang ang Japan. Sila rin ay mga pickleball court hoppers.
Lucky colors ay turquoise at hot pink. Lucky number ay 7.

SUV ang mga sasakyan nila. Laging may dalang sariling yoga mat at foam rollers. Mga strong at independent na tao. May sense of responsibility din kaya laging maraming bitbit; shopping bags, groceries, gym bag. Kaya ang gusto nilang water bottle ay may hawakan din. May subscription sa Peloton at sa Apple Fitness+.
Lucky color ay powder white. Lucky number ay 1.

Sila ay mga member ng mga run clubs ng Rockwell at sa Alabang. May mga collection din sila ng mga inhalers from Thailand. Fresh looking kahit mga trentahin at kwarentahin na. Madalas silang makikita sa Healthy Options at may 20 steps skin routine sa gabi. Sila rin ang mga nakakahanap ng date sa Strava.
Lucky color ay marigold. Lucky number ay 3.

Hindi mo sila mahahagilap sa syudad kapag weekend. Madalas kasi sila sa mga charity works at bumibisita sa mga underprivileged communities. Dahil nga sa mga co-curricular activities nila ay halos wala na silang pahinga. Kapag nasa bahay naman sila, nag-aalaga sila ng mga rescue nilang mga aso at pusa. Best friend nila ang Salonpas at mga pain relievers.
Lucky color ay agave. Lucky color ay B1T1.

Hindi rin sila makikita sa syudad kapag weekend dahil lagi naman silang umaakyat ng bundok. Kaya din nilang maligo at dumumi kung saan-saan. Kaya din nilang mag-pack ng damit sa 7Kg backpack para sa one week na travel. Mataas din ang survival skills. Kaya nilang gumawa ng apoy gamit ang mga nagupit na kuko. Magsusurvive sila kapag nagkaroon ng zombie apocalypse.
Lucky color ay olive green. Lucky number ay 9.


Again, ang mga ito ay ayon lang sa mga judgement ko as a judger. Kung sumakto man sila sa personality mo, bilhan mo na lang ako ng iPhone Duo as a reward.


Related Post

Leave A Comment